Friday , November 15 2024
road traffic accident

Rider, patay sa bangga ng truck

UTAS ang isang 22-anyos rider makaraang salpukin ng truck na minamaneho ng kapangalan ng sikat na basketbolistang si Jayson Castro ang kanyang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang kinilalang si Mark Julius Pasague, residente sa Block 9D Lot 29, Phase 2 Dagat-dagatan Kaunlaran Village, Brgy. Longos, Malabon City sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Agad nadakip ang suspek na kinilalang si Jayson Castro, 36 anyos, residente sa San Vicente, Sto. Tomas, Pampanga, driver ng Hino tractor head (CAW-6649) na ngayon ay nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl. Anthony Gudgad ng Caloocan South Traffic Investigation and Detective Management Section, isinumite sa tanggapan ni P/Lt. Col. Ilustre Mendoza, Acting City Police chief ng lungsod, parehong tinatahak ng Yamaha Mio motorcycle na minamaneho ni Pasague at ng tractor head ang C-3 Road patungo sa direksiyon ng Dagat-dagatan dakong 8:20 pm, nasa unahan ng truck ang biktima.

Pagsapit sa kanto ng Torsillo St., Brgy. 28, sinalpok ng truck ang hulihang bahagi ng motorsiklo at nakaladkad ng ilang metro dahilan upang tumilapon ang biktima at mapinsala nang matindi sa ulo at katawan. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …