Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sean de Guzman

Sean waging Best Actor sa Chithiram International Film Festival sa India

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKAKAILANG pelikula pa lamang si Sean de Guzman, isa sa alaga ng 3:16 Events and Talent Management ni Len Carillo pero nakita agad ang galing nito. Katunayan, itinanghal siyang Best Ator sa katatapos na Chithiram International Film Festival sa India dahil sa mahusay na pagganap nito sa pelikulang Fall Guy na idinirehe ni Joel Lamangan.

Ang respetado, award-winning, at batikang direktor ang sumugal kay Sean sa pelikulang Lockdown, unang pelikula ng aktor. Si direk Joel din ang tuluyang nagbukas ng pinto kay Sean noong  ilunsad niya ito sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer.

At pagkaraan ng Anak ng Macho Dancer, nagsunod-sunod na ang magagandang proyekto ni Sean. At nitong nakaraang araw,  si direk Joel din ang dahilan para magkaroon ng Best Actor trophy si Sean dahil ang direktor ang nagdirehe ng Fall Guy. 

Congratulations kay Sean gayundin ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong maipakita ang talento sa pag-arte, ang316 Media Network at ang kanyang talent management, ang 316 Events and Talent Management at sa kanyang manager na si Len. 

Sa bagong pagkilalang natanggap ni Sean, hindi malayong marami pang pelikula ang ipagkatiwala sa kanya ng Viva Films.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …