Sunday , December 22 2024
Navotas
Navotas

33 benepisaryo ng GIP, natanggap sa Navotas

UMABOT sa 33 benepisaryo ng Government Internship Program (GIP) ang malugod na tinanggap ng pamahalaang lungsod ng Navotas matapos silang sumailalim sa oryentasyon.

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, sila ay mabibigyan ng pagkakataong makapagtrabaho sa pamahalaang lungsod mula 1 Setyembre hanggang 20 Disyembre ngayong taon at makatatanggap ng P570 kada araw.

“Sa serbisyo ng gobyerno, nandito tayo hindi lang para gawin ang trabaho natin. Narito kami upang tumulong na pagaanin ang pasanin ng mga taong aming pinaglilingkuran. Let us give the best service we could offer our fellow Navoteños,” ani Mayor Tiangco.

Hinikayat din sila ni Mayor Tiangco na sikaping makapagbigay ng taos-pusong paglilingkod sa kapwa at gamitin ang matututuhan nila upang maging handa sa pagtatrabaho sa hinaharap.

Ang GIP ay programang hatid ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pakikipagtulungan ng NavotaAs Hanapbuhay Center na naglalayong makapagbigay ng oportunidad sa mga high school at vocational tech graduate na wala pang karanasan sa pagtatrabaho at makapagsilbi sa mga ahensiya ng pamahalaan. (ROMMEL SALES)

About Rommel Gonzales

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …