AYAW natin maliitin ang kakayahan ni Col. Nur Misuari ng Moro National Liberation Front (MNLF).
Si Misuari ay isang Moro leader na ilang ulit nang nanindigan para sa kapakanan ng Mindanao. Kaya naman nagtataka tayo kung bakit ang isang prinsipyadong katulad niya ay maimpluwensiyahan ng iilan na gusto laging may giyera sa Mindanao dahil pinagkikitaan nila sa maraming aspekto.
Logistics gaya ng baril, bala, at iba pang uri ng armamento. Sino ang nagsusuplay n’yan sa MNLF?
Itanong ninyo kina dating Pangulong Fidel V. Ramos at dating NICA chief Joe Almonte, sila ang mga eksperto d’yan.
Pwede rin kina dating Senate President Johnny Ponce Enrile at Senator Gringo Honasan, malakas ang pang-amoy nila d’yan!
Pero ang ipinagtataka natin, bakit hindi UMEEPAL ngayon si Commission on Elections (Comelec) Chairman SIXTONG ‘este’ BRILLANTES?!
Hindi ba’t may COMELEC GUN BAN na?
‘E bakit hindi siya mismo ang pumunta roon sa ZAMBOANGA para hulihin si MISUARI?!
‘Yan na nga ba ang sinasabi natin. Doon sa mga legal na aplikante na kumukuha ng COMELEC GUN BAN exemption ‘e hindi ninyo inaaprubahan.
Ganoon din sa PNP, pahirapan magbigay ng permit to carry outside residence.
Pero bakit d’yan sa Mindanao, sandamakmak na ang mayroong armas (loose firearms) d’yan pero mukhang inutil lang ang GUN BAN ng COMELEC at PNP?!
INCONSISTENT talaga si Chairman Brillantes at PNP!
Kaya maraming nalilito sa mga patakarang inilalabas ninyo kaugnay ng eleksiyon kasi kayo mismo ang BUMABALI!
Tanganan mo naman ang BAYAG mo Chairman Sixto!
Ay sus!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com