Saturday , April 5 2025
shabu drug arrest

Joyride driver, kasabwat, timbog sa buy bust

SHOOT sa kulungan ang dalawang bagong identified drug personalities (IDPs) kabilang ang isang biyudong joyride rider nang madakma ng pulisya sa buy bust operation sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon City police chief, Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na kinilalang sina Alvin Mallillin, 37 anyos, biyudo, joyride rider; at Donn Bernardo, 38 anyos, kapwa residente sa Caloocan City.

Ayon kay Barot, dakong 3:30 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Dr. Lascano kanto ng Estanio St., Brgy. Tugatog, at isang undercover police ang nagawang makipagtransaksiyon sa mga suspek ng P300 halaga ng droga.

Matapos tanggapin ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang maliit na transparent plastic sachet ng umano’y shabu, agad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek.

Ani P/MSgt. Randy Billedo, nakompiska sa mga suspek ang halos pitong gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P47,600 at marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …