Tuesday , April 8 2025
shabu drug arrest

P.7-M shabu kompiskado
2 TULAK, 2 USERS HULI SA BUY BUST

DALAWANG tulak at dalawa sa kanilang kliyente ang nadakip nang makuhaan ng mahigit P.7 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Lt. Doddie Aguirre, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City police ang mga naarestong suspek na sina Morris Bacod, alyas Boss, 18 anyos, at si Geoffrey Cardinez Jr., 19 anyos, kapwa pusher; at sina Enrico Rosales Jr., 24 anyos, at Erwin Manuel, 34 anyos, kapwa user, parehong residente sa Caloocan City.

Sa report ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr., kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Peñones Jr., dakong 12:00 am nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Aguirre ng buy bust operation sa Gen. T. De Leon Market, Brgy. Gen. T. De Leon.

Kaagad inaresto ng mga operatiba si Bacod at Cardinez nang bentahan ng P32,000 halaga ng droga ang isang pulis na umakto bilang poseur buyer, kasama sina Rosales at Manuel na kapwa nakuhaan ng tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Ayon kay P/Cpl. Glenn De Chavez, nakompiska sa mga suspek ang halos 110 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P748,000, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill, 15 pirasong P1,000 boodle money, at 32 pirasong P500 boodle money, P850 cash, 3 cellphones, at itim na belt bag.

Kaugnay nito, pinuri ni Col. Peñones ang Valenzuela City police sa ilalim ng pamumuno ni Col. Destura sa matagumpay na drug operation habang sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5, 26, at 11 sa ilalim ng Article of RA 9165 at Art 151 of RPC ang mga naarestong suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Cebu

Cebu isinusulong bilang Heritage Pilgrimage

ISINUSULONG ni Senador Lito Lapid ang pagpapalago ng heritage at pilgrimage tourism destinations sa lalawigan …

Chiz Escudero Imee Marcos

In aid of legislation
Imbestigasyon ni Marcos Ipinagtanggol ni Escudero

IPINAGTANGGOL ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang isinasagawang imbestigasyon ng Senate committee on foreign …

TUP Manila campus walang face-to-face classes sa Abril 7-8

Bilang pagdadalamhati  
TUP Manila campus walang face-to-face classes sa Abril 7-8

NAGDEKLARA ng suspensiyon ang Technological University of the Philippines (TUP) Manila para sa face-to-face classes …

2 araw na Music Festival ng Taguig matagumpay

MATAGUMPAY ang idinaos na dalawang araw na Taguig Music Festival 2025 ng lungsod sa ilalim …

Bagong Henerasyon Partylist Bernadette Herrera

Bagong Henerasyon Partylist ‘pasok’ sa “winning circle”

LUBOS na ikinagalak ng Bagong Henerasyon (BH) Partylist, sa pangunguna ni House Deputy Minority Leader …