Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
LJ Ramos

Kahit katunog ng kay LJ Reyes
LJ RAMOS ‘DI PAPALITAN ANG SCREEN NAME 

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI papalitan ni LJ Ramos ang screen name niya kahit katunog ito ng pangalan ng aktres at StarStruckavenger na si LJ Reyes.

Sila ng manager niyang si Rams David (ng Artists Circle Talent Management Services) ang nagdesisyon nito tutal naman ay nasa Amerika na si LJ [Reyes].

We thought about it a week before na nag-sign siya, iyon din ang naisip namin although wala na nga si LJ Reyes ‘coz I think she would like to stay as a mother and quit showbiz sa tingin ko,” umpisang pahayag ni Rams, “so I think it’s high time to have a fresh LJ, a new one.”

Ang ilan sa mga naging exposure na ni LJ ay bilang talent sa Ang Panday 2 noong 2011, sa Amaya ni Marian Rivera noong 2012, at sa The Wives of House No. 2 na Sari Sari Original series ng Cignal TV noong 2016 at marami pang iba.

Nag-TV5 din po ako, sa ABS din po dati pero as extra lang po. Nakapag-workshop din po ako dati sa Star Magic.”

Bakit siya nahinto sa pag-aartista?

“Nagkaroon po kasi ako ng regular work kaya nag-lie low po ako sa showbiz industry.”

Nag-resign na si LJ sa kanyang trabaho sa isang casino para mag-focus muli sa pag-aartista.

At early this year ay “na-rediscover” nga ni Rams si LJ at pinapirma bilang exclusive talent ng Artists Circle Talent Management Services.

Sina Marian at Bea Alonzo ang mga iniidolo ni LJ bilang mas gusto niyang malinya sa drama.

Kapag nabigyan siya ng oportunidad na mapasama sa isang serye ni Marian o ni Bea ay magiging masaya si LJ.

Ang latest projects ni LJ ay ang pagiging endorser ng Vaniti Ave. Salon and Spa sa Timog at may pelikula siyang gagawin na ididirehe ng kapatid ni Celso Ad Castillo na si John Ad Castillo, ang Umbag na kukunan sa Baler, Aurora.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …