Tuesday , April 30 2024
Cara y Cruz

2 Laborer arestado sa Cara y Cruz, baril

SWAK sa kulungan ang dalawang laborer matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal gambling operation at makuhaan ng baril ang isa sa kanila, sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon City police chief Col. Albert Barot ang mga naarestong suspek na sina Allan Bataanon, 37 anyos, ng Mabolo St., Brgy. Maysilo at Norlito Pacon, 40 anyos, ng C-4 Road, Brgy. Tañong.

Lumabas sa imbestigasyon nina P/SSgt. Ernie Baroy at P/SSgt. Diego Ngippol, nakatanggap ng impormasyon ang Station Intelligence Section (SIS) ng impormasyon mula sa Barangay Information Network (BIN) tungkol sa nagaganap na ilegal na sugal na cara y cruz sa Leoño St., Brgy., Tañong.

Kaagad nagresponde sa naturang lugar ang mga operatiba ng SIS sa pangunguna ni P/Lt. Richel Sinel sa koordinasyon sa Sub-Station 6 sa pamumuno ni P/Lt.  Manny Ric Delos Angeles na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos maaktohang nagka-cara y cruz dakong 3:15 am.

Nakompiska ng mga pulis ang tatlong pirasong one-peso coin na gamit bilang pang-kara at P890 bet money, pero nang kapkapan ang mga suspek, nakuha kay Pacon ang isang kalibre 38 revolver, kargado ng anim na bala.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 as Amended by RA 9287 habang karagdagang kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions ang kakaharapin ni Pacon. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Taguig music festival

2 araw Taguig music festival para sa Kabataan tagumpay

NAGING matagumpay ang kauna-unahang dalawang-araw na libreng music festival na idinaos ng pamahalaang lungsod ng …

Valenzuela namahagi ng cash subsidy, groceries sa Solo Parents

Valenzuela namahagi ng cash subsidy, groceries sa Solo Parents

BILANG bahagi ng paggunita ng Solo Parents’ Day, namahagi ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela ng …

Arrest Posas Handcuff

No. 4 most wanted person ng NPD
DRIVER ARESTADO SA RIZAL

TIMBOG ang isang lalaking No. 4 most wanted person ng Northern Police District (NPD) sa …

knife saksak

Lalaki pinatay sa harap ng live-in partner

PATAY ang 42-anyos lalaki nang saksakin sa likuran ng hindi kilalang salarin habang naglalaro ng …

PNP QCPD

Policewoman biktima  
QCPD OFFICIAL SINIBAK SA SEXUAL HARASSMENT

SINIBAK sa puwesto ang isang opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) matapos siyang akusahan …