RATED R
ni Rommel Gonzales
BAGO lumipad patungong Guam para sa kanyang Miss Saigon stint ay nakausap namin via Zoom si Garrett Bolden.
Hindi inaasahan ng dating The Clash finalist na mapapasama siya sa cast ng Miss Saigon. Ni hindi niya pinlano na mag-audition para sa international musical play.
“Nagkataon po na a friend of mine, sinabi po niya sa akin na, ‘There’s an audition, do you do theater,’ which is something na bago po sa akin.
“Although I did theater before, that was high school days pero ‘yung talagang experience po on a professional level this is going to be my first.
“So what I did nag-send po ako ng audition video and then after a few months they called me back and there was more audition process and then nitong last month lang po they finally told me, ‘Yeah, you’re going to do the role! Can you come to Guam and perform with us sa Miss Saigon production po in Guam,” kuwento ni Garrett.
Marami-rami na ring Filipino artists ang naging parte ng Miss Saigon, may pressure ba kay Garrett na pantayan o lampasan ang mga na-achieve ng mga naunang Pinoy artists sa Miss Saigon?
“In regards of mapantayan po or malampasan. Parang sa kanila po hindi ko naman naisip ‘yun, pero ang naisip ko po is kung magagampanan ko po ng maayos itong trabaho ko.
“Iyon po ‘yung pressure sa akin. Ang lagi ko pong dasal is sana po ay magampanan ko as John ‘yung role talaga na John and at the same time incorporating kung sino rin po si Garrett, iyon po ‘yung pinaka-pressure sa akin.”
Sino ba si Garrett Bolden na ipakikita niya sa mga manonood sa kanya sa Miss Saigon?
“Siyempre ipakikita ko po na kung paano ako minahal ng mga Kapuso. Ise-share ko po ‘yun sa mga taga-Guam kasi marami rin po tayong mga Filipino friends and Kapuso na nasa Guam.
“I know it’s an island pero a lot of Filipinos are there so I’m really going to show who Garrett is and hopefully tanggapin din po nila ako.”
Sa kanyang Miss Saigon journey, saan siya pinaka-excited at saan siya medyo kinakabahan?
“I’m excited po to do rehearsals, to meet the other cast and to exchange lines with the other cast.
“Pero I’m really nervous din, siguro po ‘yung ‘pag nag-start na ‘yung magpe-perform kayo, kung ‘yung preparation ko po eh madadala ko ba kung ‘pag mismong nasa stage na kami.
“Pero medyo may confidence naman po talaga na sabi ko nga po, I really have to do this and I know I can do it.”