Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Imee Marcos Nora Aunor Charo Santos

Para bumili ng tiket at maipamigay sa mga paaralan
SEN IMEE KINAUSAP DAW MGA NEGOSYANTENG TSINOY 

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAGKAKAIBA ang marketing strategy talaga ng mga pelikula. Bawat producer na namuhunan ay gustong kumita, at sa panahong ito na talagang tagilid ang pelikulang Filipino, talagang gagawin nila ang lahat ng strategy para mapansin.

Sinasabing ang Chinese businesswoman na si Teresita Ang See, ang nagsabing kinausap umano ni Sen. Imee Marcos ang mga negosyanteng Tsinoy at pinakiusapang bumili ng tickets sa isang pelikula para iyon ay maipamigay sa mga paaralan at mapanood ng mga estudyante. Kung totoo iyon, maaaring gusto nga ng senadora na mapanood ng mga kabataan ang pelikula na sinasabi niyang “nagpapakita ng kanilang panig” doon sa EDSA Revolution, at hindi naman ang naglalaro ng mahjong lamang.

Hindi rin maikakaila na iyan ay marketing strategy para kumita ang pelikula dahil ang ganoong indie, hindi talaga basta pinapasok ng mga tao.

Ang kanila namang opposition ay isang pelikulang laban sa Martial Law. Inilabas na iyan noong nakaraang taon sa isang sinehan at nag-flop. Naisipan naman nilang ilabas ulit dahil baka sakaling mapansin na sila matapos manalo ng awards. Depende rin naman iyan sa credibility ng award giving body. Naka-slide screening sila simula ngayon sa ilang sinehan. Ang tanong, alin sa dalawang pelikula ang mas panonoorin ng mga tao?

Ewan, pero sa palagay namin, dahil pareho naman silang indie parehong mahihirapan ang dalawang pelikula sa sinehan. Siguro nga dahil sa stigma na unang nalikha ng  mga naunang indie noong araw na puro tungkol sa sex, gaya rin ng inilalabas nila sa internet ngayon. Kaya basta sinabing indie, hindi talaga pinanonood sa sinehan.

Kung may nagsasabi man na iyang mga indie na lang ang magtutuloy sa industriya, wala na nga. Talagang lugmok na ang industriya habang panahon. Eh mas magagandang ‘di hamak ang palabas sa TV, libre pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …