Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lala Sotto MTRCB

Chair Lala tututukan mga palabas sa Amazon Prime, Netflix, Vivamax

HARD TALK
ni Pilar Mateo

TINAMAAN din pala ng Covid ang anak nina  Senator Tito Sotto at Helen Gamboa, na si Diorella o mas kilala bilang Lala sa pamilya.

Pamilyar na ang ngalan ni Lala dahil 18 taon na itong nagsilbi sa mundo ng politika.

Kahit na lumabas na ito sa mabibilang lang naman sa daliring mga pelikula ng ama at ng TVJ noong kabataan niya, hindi naman pinangarap ni Lala na ‘yun ang landas na tahakin.

“Maliit pa lang ako, gusto ko na talaga na magsilbi sa tao. Kaya suguro, rito rin ako dinala ng kapalaran ko.”

At ngayon nga, siya na ang appointed ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na mangalaga sa MTRCB(Movie and Television Review and Classification Board).

Oo  nagulat siya sa tawag para ipaalam sa kanya na kailangan niyang dumalo sa oath-taking. 

“Katatapos lang ng quarantine ko noon. Which was a good thing. I was really surprised.

“My main goal is to ensure a safe viewing experience for our children at home. Growing up wala kaming separate television sets sa bahay. Kaya bantay sarado kami nina Mama at Papa.

“’Am not here to judge our filmmakers. Pero as a mother, may mga concern din ako. But we have started na makipag-usap na with oblige producers like Amazon Prime and Netflix. Vivamax also. And looking forward to a healthy and harmonious relationship with them.

“Noong hindi ako nagkaroon ng seat sa aming AGAP party list, little did I know na ito na pala ang magiging kapalit.”

Disiplina ang bibitbiting katangian ni Chair Lala na ibabahagi niya sa mga bago ring miyembro na ia-appoint sa ilalim ng kanyang pamamahala.

True to her words, nang magsimulang umupo si Chair Lala sa araw na idaraos ang SONA ni PBBM, naghintay lang ang kanyang gown na gagamitin sa silid dahil, magmula nang upuan niya ang silyang nakatalaga sa kanya  tinapos niya ang lahat ng kailangang gawin at maintindihan sa ipinasa at ipinamana ng mga gawain sa kanya ng sinundan niyang chairman.

Kaya maliwanag na ang prioridad na talaga ngayon ng ina ng isang 20 year old daughter at 10 year old boy ay ang bagong asignaturang iniatang sa kanyang balikat. 

May iba pa naman daw pagkakataon para magamit niya ang ipinasadyang gown sana for the SONA! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …