Friday , April 18 2025

4 patay, 60 sugatan sa magnitude 7 lindol sa Abra — DILG

072822 Hataw Frontpage

ni ALMAR DANGUILAN

APAT ang namatay habang 60 ang nasugatan nang ugain ng magnitude 7.3 lindol ang lalawigan ng Abra nitong Miyerkoles ng umaga.

Ito ang ulat kahapon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretray Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Ang dalawang namatay ay mula sa Benguet, isa sa Abra, at isa sa Mountain Province.

“Sixty [ang] injured and so far po apat ang nabalitaang nasawian ng buhay, four deaths. Of these four, two are in Benguet, one each in Abra and Mountain Province,” ayon kay Abalos.

Batay sa ulat ng PHIVOLCS, ang magnitude 7.3 lindol ay naramdaman bandang 8:43 am at ang lokasyon ay 17.64°N, 120.63°E – 003 km N 45° W ng Tayum sa Abra. Ito ay may lalim na 17 kilometro.

Naramdaman rin ang malakas na pagyanig sa maraming lugar sa Luzon, kabilang ang Metro Manila.

Sinundan ito ng maraming aftershocks, ayon sa local seismological agency.

“We can’t rule out the possibility of another strong earthquake,” ayon kay Renato Solidum, director ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

               Isinusulat ang balitang ito’y umabot na sa lima ang namatay at 64 ang sugatan.

Sa pagtama ng 7.3 magnitude lindol
PARAÑAQUE LGU
ITINIGIL LAHAT
NG TRANSAKSIYON

SUSPENDIDO ang trabaho sa Parañaque City Hall makaraang iutos ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez sa pagtama ng magnitude 7.3 lindol.

Inatasan ang lahat ng mga empleyado na lumikas nang mangyari ang lindol at pinanatili sa quadrangle ng pamahalaang lungsod.

Agad iniutos ng alkalde ang suspensiyon ng trabaho dakong 9:30 am para bigyang daan ang mabilis na pangangailangan sa analysis inspection ng Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) at ng Engineering Office.

Ang lahat ng physical transactions sa city hall ay suspendido.

Isinaalang-alang ni Olivarez ang kaligtasan ng mga empleyado sa kanyang desisyon na suspendehin ang trabaho.

Agad iniutos ng alkalde ang inspeksiyon sa mga paaralan at mga gusali sa lungsod.

Dakong 7:00 am nang yanigin ng malakas na magnitude 7.3 lindol ang Abra at ilang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila. (GINA GARCIA)

About Almar Danguilan

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …