Saturday , November 23 2024
Mon Confiado Katips

Pelikulang Katips ‘lalabanan’ ang Maid in Malacanang  

I-FLEX
ni Jun Nardo

UNANG film production ng PhilStagers ni Atty. Vince Tanada ang Katips The Movie pero 17 nominations agad ang nakuha nito sa darating na FAMAS awards.

“Masayang-masaya tayo kasi this this our first film produed by PhiStagers.

“Although matagal na tayong nagsusulat at nagdidirehe sa teatro kaya lang noong namatay ang tatay ko, I should do this at nag-produce na tayo ng pelikula. Kaya masaya tayo kasi nadala ko sa pelikula ang nakasanayan kong gawin sa teatro,” bahagi ng pahayag ni Direk Vince sa presscon ng movie.

Isang musical ang Katips.  Bukod sa gastos na challenge niya, “Madali ‘yung gastos kasi kinikita naman ang pera, ang challenges, parang nabago ang sistema ng cast. Medyo emotionally draining on their part.

“Sa inyong lingkod naman, AD ako ni Elwood (Perez). Maski may matagal minsan, ang masasabi ko, bayad sila pag-uwi nila. We want to professionalize the profession!” saad pa ni direk Vince.

Ano gusto niyang ibahagi sa manonood sa pelikula niya?

“Tungkol ito sa Martial Law. Nilabanan ko talaga ang ‘Maid in Malacanang.’ Tsina-challenge tayo kaya nag-react ng ganoon si direk Joel (Lamangan).

“Nagawa naming ito noong 2021. Sabi ko, now is the time. After ng nominaitions, we are head to head kasi this is about the truth and nobody can invalidate my personal  experience as a victim of martial law kaya kung sinasabi nila na ‘yun ang naramdaman ng pamilya nila bago sila ipinatapon sa Hawaii, ito naman ‘yung naramdaman namin noong sila pa ang naghahari at kailangan itong maipakita ng tao!”paliwanag pa ni Atty. Vince.

Sa August 3 ang showing ng Katips sa mga sinehan kasabay ng Maid in Macalacanang,

About Jun Nardo

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …