Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sanya Lopez Hot Maria Clara

Kahit abot-abot ang kaba
SANYA BIGAY-TODO SA MUSIC VIDEO

RATED R
ni Rommel Gonzales

KINAKABAHAN ako,” ang bulalas na sagot ni Sanya Lopez sa tanong namin kung ano ang naramdaman niya habang inire-record niya ang kauna-unahang single sa ilalim ng GMA Music.

Talagang nandoon ‘yung, hindi ko ma-ano, hindi talaga ako kampante that time, ‘Ha, kaya ko ba?’

“Nakukuwestiyon ko tuloy ‘yung sarili ko, hindi ko maiwasang, ‘Kaya mo ba? Kaya mo ba, girl?’

“Parang may ganoon. Pero na-excite ako at the same time. Gusto ko kasi talagang… ang ganda niyong lyrics, ang ganda po niyong meaning ng song, so gusto ko sana na talagang kapag kinanta ‘yun maramdaman ng bawat kababaihan.

‘Na, ‘Ah, ganyan kami! Ganito kami. Dapat ganito kami.’”

Tama naman ang desisyon ng GMASparkle, at GMA Music na gawing singer si Sanya. Napanood namin ang music video ng Hot Maria Clara at narinig namin ang lyrics ng awitin at masasabi naming napakalaki ng potensiyal ni Sanya na umalagwa sa larangan ng music industry.

Nagliliyab ang ganda at kaseksihan ni Sanya sa kanyang music video, at ang mga outfits niya ay talaga namang nakatutulala, lalo na ang kanyang seksing choreography.

Sino ba ang peg ni Sanya sa bagong larangang kanyang pinasok?

Noong ibinigay po sa akin ‘yan, sinabi ko nga actually mga Blackpink, eh. Tinanong lang nila ako kung sino yung mga gusto ko, so sabi ko, mga Blackpink, si Ariana Grande, wala akong idea talaga sa mga ano, ano bang gagawin ko talaga?

And then on that day si direk Niel de Mesa na lang ang nagsabi  sa akin na ‘Okay may mga kukuhanan tayo rito, kung ano ‘yung sayaw na ini-rehearse mo iyon ‘yung gagawin natin.’

“I’m very happy na si direk Niel, siya ‘yung nagdirehe sa akin, bukod sa siya po ‘yung composer, alam naman po natin na award- winning director siya, so  medyo nakaka-pressure rin for me.

“Pero happy naman po siya sa kinalabasan po,” ang nakangiting sinabi pa ni Sanya.

Ang Hot Maria Clara na under GMA Music ay available sa iTunes, Spotify, at ibang digital streaming apps.   

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …