Friday , May 9 2025
Ruffa Gutierrez Maid in Malacañang

Ruffa naiyak sa mga sulat ni dating Pangulong Marcos kay Unang Ginang Imelda

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NAIRAOS na ang Grand Media Conference ng aminin man o sa hindi ay inaabangang pelikula na sa mga sinehan masasaksihan, ang Maid in Malacañang ni Direk Darryl Yap sa Viva Films.

Kasama rito ang gumaganap sa katauhan ng bunsong kapatid ni President BongBong Marcos na si Irene.

Pero habang ginagawa ang pelikula, nasalang si Ella Cruz sa mga kontrobersiya dahil sa tinuran nitong komento tungkol sa historians at Marites. O tsismis!

Sa grand media conference na dinaluhan ng buong cast (Cesar Montano, Ruffa Gutierrz, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Kiko Estrada, Kyle Velino, Beverly Salviejo, Karla Estrada, at Elizabeth Oropesa) with Senator Imee Marcos, inasahan ang komento ni Ella sa nasabing isyu. At ito nga ang pinag-uusapan pa rin sa kanya. Quoted.

Bakit ganoon ‘yung nabasa ko sa libro?

Nakita ko ho si Senator Imee sa pamilya niya na parang bakit ganoon ‘yung nabasa ko sa libro? Eh si Senator Imee mahal na mahal niya ‘yung pamilya niya.”

At halos lahat ng mga nagkaroon ng pagkakataong makasama si Manang Imee habang ginagawa ang pelikula ay nagulat sa mga natuklasan nila sa pagiging ito nito. 

Gaya rin nga lang natin siyang tao. At hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin kapag binabalikan na ang huling mga oras nila bago lisanin ang Malacañang.

Naiiyak pa si Ruffa sa pagkukuwento sa nabasa niyang mga love letter ni Apo Lakay o former President Ferdinand Marcos to his lady love Imelda.

Akala nga ni Ruffa ay props ang binasa niyang mga sulat. ‘Yun na pala ang orig na nga sulat-kamay ng dating Pangulo.

Kaya si Ruffa is looking forward to once again receiving love letters sa magmamay-ari ng puso niya soon.

As far as balikan is concerned with her ex Yilmaz Bektas, na nakakasama na ang mga anak nila, naguguluhan si Ruffa dahil mukhang okay na naman kina tita Anabelle Rama at tito Eddie Gutierrez ang kanilang ex-manugang.

Ayan, gugulo na naman ang puso’t isip ni Ruffa, ha! Pero sabi niya, this time, ang gagamitin na niya ay ang intuition niya.

Intuition ang kay Ruffa. Pero si Ella, hindi niya raw intensyon na ma-offend ang historians sa tinuran niya tungkol sa tsismis.

Sa August 3, 2022 na mapapanood sa mga sinehan ang isa na namang obra ni direk Darryl. Ang mga hindi naipahayag na kuwento sa mga pangyayari sa kanilang paglisan sa bansa.

Nilinaw ni direk Darryl na hindi ito biopic.

At sa sagot niya sa aking tanong, tatlong napakahahalagang eksena pa pala ang hindi niya na maisasama sa pelikula. Dahil nga baka raw sumabog na ang dibdib ng manonood sa matutunghayan nila. Pero umaasa siyang magkakaroon pa rin ng pagkakataong maikiwento ito sa mas tamang pagkakataon. 

About Pilar Mateo

Check Also

Ralph dela Paz

Ralph Dela Paz sunod-sunod ang proyekto

MATABILni John Fontanilla SUNOD-SUNOD ang pelikula ni Ralph dela Paz matapos bumida sa advocacy film …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Lani Misalucha

Lani balik-concert stage para sa isang timeless music at artistic excellence

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAITUTURING na grand comeback ang pagbabalik sa concert scene ng Asia’s …

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis okey lang mag-endoso ng beauty product; Rhea Tan puring-puri kabaitan ng aktor

OPISYAL na ipinakilala ng President/CEO ng Beautederm, Ms Rhea Anicoche-Tan ang bagong ambassador ng Belle Dolls sun screen, Zero Filter. …

Yul Selvo

VM Yul Servo Nieto patok sa serbisyo at tapat sa tungkulin, tunay na alas ng Maynila!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA GITNA ng ingay ng politika at walang humpay na …