Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
The Juans KDR Music

KDR Music ni Kuya Daniel magpo-produce ng concert

HATAWAN
ni Ed de Leon

NGAYON, talagang pinasok na ng KDR Music ni Kuya Daniel Razon ang produksiyon ng mga concert. Ang masasabi ngang unang malaki nilang venture ay iyang concert ng The Juans sa Araneta Coliseum sa Oktubre 23. Hindi naman iyan ang first time ng KDR sa Araneta. Hindi ba dati na nilang ginagawa iyan para sa tv program noong ASOP. Sa Araneta rin nila ini-launch ang album noon ni Ka Eli Soriano. Pero itong sa The Juans, iyan ang masasabing una nilang commercial venture, at kasama nila riyan ang Viva.

Iyang concert na iyan ay aasa sa pagtangkilik ng fans ng The Juans, bagama’t tiyak iyon na dudumugin pa rin iyan ng usual market ng mga KDR concert. May sarili naman silang market talaga.

Pero iyang The Juans, talaga palang malakas ang dating sa fans, at iyong isa nilang member, si RJ Cruz, ay parang matinee idol nga ang dating sa kanilang followers. May sarili siyang followers bukod sa fans ng grupo. Pogi naman kasi talaga.

Tingnan natin kung ano ang mangyayari sa concert na iyan, na sa palagay namin magiging simula ng mas malalaking commercial production ng KDR.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …