Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
JC Santos Rhea Tan Shyleena Herrera Beautéderm BeautéHaus

Misis ni JC never pinagselosan si Bela

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKABIBILIB ang ugali ng misis ni JC Santos tungo sa pagkakaroon ng kapareha na nauuwi sa kung minsan ay matitinding halikan o lovescene. Okey lang kasi ito kay Shyleena Santos dahil katwiran niya trabaho lang iyon.

Kaya naman masuwerte si JC kay Shyleena dahil mabait at hindi ito selosa.

Nakausap namin sina JC at Shyleena sa paglulunsad sa kanila bilang ambassador ng BeauteHaus ng Beautederm ni Ms Rhea Anicoche-Tan na ginawa sa Clark Marriott Hotel, Pampanga.

Ani Shyleena walang issue sa kanya ang pakikipaghalikan at pakikipag-love scene ni JC sa mga teleserye at pelikula nito.

Sinabi rin ni Shyleena na hindi rin niya pinagseselosan ang mga leading lady ni JC lalo na si Bela na kung nakailang pelikula na ang dalawa.

Katwiran ni Shyleena, ninang si Bela ng anak nila ni JC at may tiwala rin siya sa asawa kaya walang lugar ang selosan sa kanilang pagsasama.

He makes me secured at ang tiwala ko sa kanya is 100%. Work lang po talaga siya. At saka friend ko si Bela.

At saka ang kagandahan po is parang lahat po ng nagiging leading lady po niya nagiging kaibigan ko rin po. So, parang it’s a good relationship po. Wala pong selos,” giit pa ni Shyleena.

Sa kabilang banda, ang BeautéHaus ay itinatag ni Miss Rei noong 2016 at itinuturing itong isang major beauté hub sa Angeles City, Pampanga. Libo-libo na ang nagtitiwala rito dahil sa kanilang signature procedures and services tulad ng Beautédrip’s, Snow White Laser, Beauté Rejuve Laser with Beauté Glow Peptide, Ultimate V-Lift, Beauté Hifu at marami pang iba.

At ngayong ambassador na si JC ng Beautehaus, ilan sa mga procedure na ginawa sa kanya ay ang Lipodissolve at M-Shape na non-invasive body sculpting at slimming treatments para maalis na ang kanyang “dad bod”. Idagdag pa ang Beautétox para sa kanyang wrinkles at Exilift na tinatanggal ang dark circles, puffiness, at wrinkles sa kanyang mga mata.

Kahit kaming mga lalaki ay dapat may effort para maging maayos ang aming itsura.

“Bilang isang actor, it is my responsibility to take care of myself especially now that I am also busy taking care of my little girl.

“I work long hours and the stress of the job is taking a toll on my appearance,” ani JC.

Masyaang-masaya naman si Ms Rei na bahagi na si JC ng kanilang pamilya.

Excited na kami ngayong kasama na namin si JC lalo pa’t naghahanda na rin kami sa paglipat ng clinic sa isang mas malaking espasyo sa Beautéderm Corporate Center na magiging bahagi ito ng lifestyle hub na ilulunsad namin ngayong taong ito,” sambit pa ng CEO at president ng Beautederm.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …