Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

P1.2-M gadgets, cash nakulimbat

UMABOT  sa P1.2 milyon halaga ng pera at mga gadgets ang nasimot ng hindi pa nakikilalang suspek na nanloob sa isang 2-storey apartment sa Pandacan, Maynila kamakalawa ng hapon  .

Nabatid kay SPO1 Michael Dingding ng Manila Police District – Station 10, nilooban ang apartment ng biktimang si Analiza Guevarra, 43, negosyante na matatagpuan sa 2524 Beata St., Pandacan, sa pagitan ng alas 12:30 ng tanghali hanggang alas 3:30 ng hapon kung kailan walang tao sa bahay.

Ayon kay Guevarra, inutusan umano niya ang kanilang family driver na si Dominador Egos na kumuha ng payong dakong alas-3:30 ng hapon para dalhin sa Ace John Hardware na nasa panulukan ng Beata at Sto. Niño streets.

”Inutusan ko ang driver namin na kumuha ng payong bago niya sunduin ‘yung anak ko sa school tapos sabi ko bumalik agad. Pagbalik niya sabi niya pinasok daw ang bahay namin,” ani Guevarra.

Sa salaysay ng drayber, nakabukas umano ang steel front door ng bahay at ang “improvised” na kawit na nagsisilbing kandado ay natanggal sa pagkakakawit sa steel door, maging ang second door ng bahay ay nakabukas din at nagkalat na ang mga libro sa gawi ng pintuan nang pumasok sa loob ng bahay.

Kabilang sa mga natangay ang tatlong tablet (Samsung, 2 Lifer), dalawang laptop (MSI, Acer), isang Apple Ipad, P800,000 halaga ng pera, hindi kukulangin sa US$ 600, apat na Security Banks Passbooks, isang ATM card, SSS ID, TIN ID at Postal ID.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang posibleng pagkakakilanlan ng suspek.

(Leonard Basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …