Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cesar Montano Diego Loyzaga

Cesar excited makatrabaho ang anak na si Diego

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI nakilala nang personal ni Cesar Montano si dating Pangulong Ferdinand Marcos kaya naman laking panghihinayang niya dahil hindi niya ito matatanong ukol sa gagampanan niyang karakter sa Maid in Malacanangng Viva Films.

Sa digital media conference na isinagawa noong Biyernes hindi ikinaila ni Cesar ang saya nang kunin siya para makasama sa isang family dramedy movie na tatalakay sa last 72 hours sa Malacanang ng Marcos family noong 1986 EDSA People Power Revolution

Sinabi pa ni Cesar na ni sa panaginip ay hindi niya inakalang gaganap siyang Macoy.

Bale ang Maid in Malacanang ang pagbabalik-pelikula ni Cesar at una rin nilang pagsasama ng kanyang anak na si Diego Loyzaga. Si Diego naman ang gaganap na Bongbong Marcos. 

“It is a great blessing. Napakasaya ko, I’m so excited to work with my son,” pagtatapat ni Cesar. “Finally, magkakatrabaho na kaming dalawa,” sambit pa ng aktor. Magsisimula pa lang ang shooting ng Maid in Malacanang pero may playdate na ito sa July 20 na bukod sa mag-amang Cesar at Diego kasama rin sina Ruffa Gutierrez na gaganap bilang si First Lady Imelda MarcosCristine Reyes at Ella Cruz na gaganap naman bilang mga anak na sina  Imee at Irene. Kasama rin sa pelikula sina Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, at Beverly Salviejo. Si Darryl Yap naman ang magdidirehe ng pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …