Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Producer ng Lauriana, iginiit na Rated A ang kanilang pelikula at ‘di Rated B

NAG-REACT ang line producer at talent manager na si Dennis Evangelista dahil naisinulat na Rated B ang Lauriana nina Bangs Garcia at Allen Dizon kahit Rated A ito ng Cinema Evaluation Board. Ito ay idinirehe ni Mel Chionglo na may frontal nudity si Bangs na nakakandado. Nag-hello rin ang boobs niya sa pelikula.

Ang Lauriana ay kasama sa Sineng Pambansa All Masters Edition na magaganap sa Set. 11-17 sa SM Cinemas nationwide.

“Insultong ikokorek ang isang bagay na hindi hiningi. Ibinigay ‘yan sa amin. Kahit paano achievement ‘yan sa pelikula namin,” sambit pa ni Dennis na imbiyerna sa nagpapakalat na Rated B lang sila samantalang Rated A ito.

Tsuk!

Lovescene nina Allen at Bangs, tinalo ang mga naglalabasang sex videos

SECOND day ng shooting ginawa ang love scene nina Allen Dizon at Bangs Garcia saLauriana. Sobrang haba raw na umabot ng 10 minutes. Hindi na raw naiilang si Bangs dahil nagkasama na sila ni Allen sa ilang movies. Nagkasama sila sa Marino, Migrante, at  Burgos.

Pinakagrabe raw  ang love scene nila na makikipagtalbugan sa mga naglalabasang sex videos ng mga showbiz personality.

Ano ang comment niya sa mga sex video ng mga artista ngayon?

“Scandal, ‘no?” bulalas niya.

“Siyempe nakaka-bother din dahil kasama sila sa industriya at saka kilala sila…’yung personalidad nila, malaki ang respeto sa pagkatao nila tapos makikita mong ganyan parang nakakababa rin sa tingin ng mga tao, ‘di ba? Nakababawas ‘yun although ginagawa naman ng lahat ng tao ‘yun, ‘di ba? ‘Yun nga lang ‘yung may video, ‘yun ang mali, eh,” aniya pa.

Kahit noong bata siya, hindi raw siya na-curious na mag-video ng pakikipagtalik niya.

Baka naman biglang may lalabas siyang sex video?

“Wala…patay ilaw, eh! Ha!ha!ha,” tumatawa niyang pahayag.

“At saka hindi naman gawain  ng parang… repesto ‘yun sa ka-partner mo. Kung sa ‘yo bilang lalaki, okey lang walang mawawala sa iyo pero ‘yung ka-partner mong babae, siyempre nakakahiya  rin ‘yun,” aniya.

(ROLDAN CASTRO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …