Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Bading na-rescue, 5 suspek hoyo sa Kankaloo

 LIMANG suspek na kapwa bading ang naaresto matapos salakayin ng pulisya ang isa umanong cybersex den kung saan narescue ang isang biktima  sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga dinakip na suspek na sina Carlos Carpio Jr, alyas Carla, 25 anyos, John Vincent Angeles, 19 anyos, Joel Pascual, 24 anyos na pawang bading, Michael Legazpi, 18 anyos,  at Marc Ryan Carpio, 26 taong gulang.

Sa ulat, personal na nagtungo sa opisina ng NMMDFU CIDG NCR ang isang CI upang ireport na ang kanyang kaibigan na si John Jover Pasig, 20 anyos na isang bakla ay ikinulong umano sa loob ng bahay ni alyas Carla sa #465 Interior 3, Heroes Del 96, Brgy. 73, Caloocan City at napilitang magtrabaho sa isang Cybersex Activity bilang bayad sa kanya umanong utang.

Agad ikinasa ng mga operatiba ng CIDG NDFU, kasama ang WCPS-NPD at DSOU-NPD ang rescue operation sa naturang lugar dakong 5:00 ng hapon na nagresulta sa pagkakasagip sa biktima at pagkakaaresto sa mga suspek matapos maaktuhan ang ilan sa mga ito na nakahubad habang gumagawa ng perverted at indecent acts sa harap ng mga personal computer na may webcam.

Nakumpiska ng pulisya ang dalawang sets ng personal desktop computers; isang 32′ colored monitor(Aquos); dalawang Dildo (sex toys); isang bottle ng liquid lubricant; isang wearable fake silicone breast; 14 pirasong assorted condoms; 4 pirasong assorted colored hair wigs; at assorted sexy costumes/clothing.

Ani pulisya, ang mga naarestong suspek ay kilala bilang mga miyembro ng “CARLA Group” na responsable umano sa maintaining Cybersex Activities sa area ng CAMANAVA.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9208 (Anti-Trafficking in person) RA 10175 (Anti-Cyber Crime Law, Art. 268 (Slight Illegal Detention) and Art. 201 (Immoral Doctrines, Obscene Publications and Exhibitions and Indecent Shows) of the RPC. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …