Friday , May 2 2025
lovers syota posas arrest

Mag-live in sumasaydlayn…
MANGINGISDA  AT VENDOR , NALAMBAT SA NAVOTAS

HULI  ang isang mangingisda at kalive-in nitong  vendor na sideline umano ang pagbebenta ng shabu matapos malambat sa isinagawang buy- bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na  sina Ramil Canes alyas Lito, 34 anyos na isang mangingisda,  at nakalista bilang pusher  at syota nitong si Jocelyn Rosales, 24 anyos, na isang vendor, kapwa ng  residente ng Bagong Silang St., Brgy. San Jose ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat na nakalap sa tanggapan ni Navotas City police chief  Col. Dexter Ollaging, dakong 11:25 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo ng buy- bust operation sa Bagong Silang St., Brgy. San Jose.

Sa tulong ng isang regular confidential informant (rci) ay nagawang makipagtransaksyon ng isang pulis na umakto bilang poseur-buyer ng P300 halaga ng shabu sa mga suspek.

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba at narekober sa kanila ang humigi’t kumukang 7.5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price (SDP) Php 51,000.00 at buy bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Makato Aklan

Barangay leaders sa Aklan naghain ng DQ vs vote buying

DALAWANG barangay captain mula Makato, Aklan ang naghain ng petition for disqualification sa Commission on …

3-araw Graffiti Mural Arts Festival tagumpay sa Taguig

3-araw ‘Graffiti Mural Arts Festival’ tagumpay sa Taguig

MATAGUMPAY na nairaos ng lungsod ng Taguig ang ikatlong taon ng Meeting of Styles (MOS) …

050125 Hataw Frontpage

Cagayan De Oro Mayor Klarex Uy kinuwestiyon sa P330-M cash advances

HATAW News Team ‘UNDER HOT WATER’ si Cagayan de Oro Mayor Klarex Uy matapos ireklamo …

Bong Revilla

Bong Revilla nakipamuhay sa Mindanao panalo tiniyak sa makasaysayang baluwarte

SA LOOB ng dalawang linggo bago ang midterm elections ngayong Mayo 2025, muling pinatunayan ni …

Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong muling sinusuportahan si Bam Aquino, pinuri integridad at track record

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAHAYAG ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang kanyang suporta sa …