Wednesday , May 7 2025
Sharon Cuneta Regine Velasquez

Sharon at Regine na-miss ang live na palakpakan, sigawan ng fans

HARD TALK
ni Pilar Mateo

THIS week-end, sa June 17 and 18, 2022, magsasanib-puwersa ang mga tagahanga nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez sa Grand Ballroom ng Marriott Hotel sa Newport Center on Pasay sa pagbabalik ng Iconic concert ng mag-Nana (‘yan po ang term of endearment nila sa isa’t isa).

Kung hindi nga nagkaroon ng pandemya, malamang na nagkaroon na ito ng repeat sa Big Dome at nakaikot na sa iba’t ibang venues sa bansa, pati na sa ibayong dagat.

Ngayon pa lang nila muling mararamdaman ang live na palakpakan, sigawan, pagpapakuha ng larawan, pati na pagpirma ng autograph at pagse-selfie with their beloved fans.

Kung namaalam sa Magandang Buhay si Regine bilang co-host nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros, matagal nang naghihintay ang fans na magkaroon na sila ng musical talk show ni Mega.

At sa muli nilang pagharap sa media, balitaktakan na namang umaatikabo sa pagsagot ng kilometriko ang dalawa sa patuloy nilang nami-miss na pakikipag-tsikahan with the media.

Ibinahagi ng dalawa ang magiging espesyal na panauhin nila sa dalawang gabing pagtatanghal. Ang Asia’s Queen of Songs na si Ms. Pilita Corrales.

Parehong malapit sa puso ng dalawa si Tita Pilits.

Sumasali pa lang sa Tawag ng Tanghalan noon si Regine ay madalas na nga nitong makadaupang-palad ang reyna.

At si Shawie naman, maliit pa lang ay kinakanta na ang mga awit ng reyna, lalo na kapag pinatutugtog ito ng kanyang ama sa kanilang sasakyan kapag pupunta sa vacation house nila sa Baguio. Kaya pamilyar na pamilyar na siya sa mga awit nito.

Dagdag pa ni Mega, “Madalas na rin ako magpunta sa bahay niya, when Jackie(lou Blanco) and I made movies together.” 

The one question I posed sa dalawa ay kung ano, sa kabila ng mga narating na at naabot nila sa kasalukuyan ang maituturing nilang greatest achievement nila, na no one can ever take away from them.

For Regine, “It has always been my family. Alam niyo namang lahat na nanggaling ako sa wala. Mahirap lang kami. Pero nag-struggle. To where I am now. Sila talaga ang greatest achievement ko…napag-aral…napagtapos. Pamilya ko talaga. Kaya ‘yung karakter ni Ate as Rebecca sa ‘Bukas Luluhod Ang Mga Tala.’ ‘yung nasa bintana, ako na ako ‘yun. Relate na relate ako roon. Kasi, dinaanan ko talaga.”

Nagbahagi naman si Mega ng relasyon niya with her fans and the press. Na, ibang-iba ang prosesong dinaanan niya. Nila ni Regine. Dahil wala pang social media.

And I am really very thankful. We have a history with our fans. Sa mga bago ngayon, darating din ‘yun sa inyo. I saw the sincerity of them (fans and press)…

At magpa-hanggang ngayon.

About Pilar Mateo

Check Also

Ali Asistio

Vivamax actor Ali Asistio walang limitasyon sa paghuhubad 

MATABILni John Fontanilla MASUWERTE ang si Ali Asistio dahil sunod-sunod ang pelikulang ginagawa niya sa Vivamax. Kasama si Ali …

Nick Vera Perez Parte Ng Buhay Ko

Nick Vera Perez abala sa promosyon ng ikaapat na album 

NASA bansa ngayon si Nick Vera Perez para sa kanyang ikaapat na album, ang all-original at all-new OPM …

Kiray Celis Mother P1-M Van

Kiray brand new van iniregalo sa ina (pagkaraang magbigay ng P1-M)

MATABILni John Fontanilla NAPALUHA ang ina ng actress/ businesswoman na si  Kiray Celis sa sorpresang ibinigay nito …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

Coco Martin FPJ Panday Bayanihan

Coco Martin, buong-pusong suporta sa FPJ Panday Bayanihan sa Pangasinan

BUONG PUSONG inendoso ng aktor na si Coco Martin ang FPJ Panday Bayanihan Partylist. Sa …