Saturday , August 2 2025
NAVOTAS FACE TO FACE CLASSES

Navotas tech-voc grads nakatanggap tool kits

PINANGUNAHAN ni Navotas Congressman John Rey Tiangco, kasama si Rolando Dela Torre, District Director ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) CAMANAVA, ang pamamahagi ng tool kits sa Navoteño tech-voc graduates.

Nasa 48 nakapasa sa Bread Making Leading to Bread and Pastry Production NC II ang nakatanggap ng oven at baking tools, digital weighing scale, mixing bowl, measuring cup, at spoon sa ilalim ng Special Training for Employment Program.

Ang mga benepisaryo ay nagsanay at nakompleto ang kanilang kurso noong Disyembre 2021 sa Horizons Institute of Technology, isang partner ng technical and vocational education and training (TVET) institute (TVI) ng Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.

“Aside from the free courses offered at NAVOTAAS Institute, we teamed up with other tech-voc centers in neighboring cities so that Navoteños will have access to more courses and learning opportunities,” ani Cong. Tiangco.

“We hope that by providing them with quality skills training and scholarship benefits, including allowances and tool kits, they will be more eager to pursue their dream careers and businesses,” dagdag niya.

Nauna rito, ang mga nagtapos ay nakatanggap ng P2,600 halaga ng training support fund, at internet, at personal protective equipment allowance.

Dumalo rin sa seremonya si Michael Caisip, Technical Education and Skills Development Specialist II ng TESDA CAMANAVA, Leslie Borromeo at Heidi Ramos, Marketing Manager and Registrar ng Horizons Institute of Technology.

Simula Enero ngayong taon, umabot sa 350 ang nakapagtapos mula sa NAVOTAAS Institute. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Sara Duterte Supreme Court

Sa impeachment trial vs VP Sara
DESISYON NG SC PUWEDE BAGUHIN

HATAW News Team MAITUTUWID pa ng Korte Suprema ang kanilang sarili at maaari pang baliktarin …

Arrest Shabu

Gunrunner, durugistang tulak nasakote

ARESTADO ang isang lalaking isinasangkot sa ilegal na bentahan ng mga hindi lisensiyadong baril sa …

House Hotshots Javi Benitez Brian Poe Llamanzares Ryan Recto

House Hotshots, nagsusulong ng makasaysayang panukalang batas para sa Climate Resilience

ISANG grupo ng mga batang mambabatas na kilala bilang House Hotshots ang nagsusulong ng makabuluhang …

Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

Big time pusher sa Pampanga nalambat sa 700 gramong shabu

NAARESTO ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang pinaniniwalaang big time …

PM Vargas

Batas sa kalusugan, kabuhayan, at edukasyon tugon sa panawagan ni PBBM — solon

SA PAGTAPOS ng State of the Nation Address (SONA), nangako si Quezon City District V …