Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paulo Avelino Janine Gutierrez

Paulo hiling na panoorin ng mga Pinoy ang Ngayon Kaya

RATED R
ni Rommel Gonzales

ISA sa producer si Paulo Avelino ng pelikula nila ni Janine Gutierrez, ang Ngayon Kaya na ipalalabas sa mga sinehan sa June 22, kaya natanong namin ito kung ano ang challenges na kinaharap niya bilang producer?

Actually for this late na namin napag-usapan eh, so ‘yung challenges for producing parang nasa side na ng T-Rex lahat,” anang aktor na ang tinutukoy ay ang kasosyong T-Rex Entertainment.

Pero in the past andami, eh. Parang, well first of all ang problem naman all the time na hindi nawawala budget. Kumbaga pinagkakasya’t pinagkakasya kung anong kailangan.

“And it’s also not my first  film produced for Janine, actually I co-produced ‘Dito At Doon’ with TBA [Studios].

“It’s in Netflix, with Janine and JC Santos.”

Tampok din sa Dito At Doon ang ina ni Janine na si Lotlot de Leon na ipinalabas online noong March 2021.

Dahil Ngayon Kaya ang titulo ng kanilang bagong pelikula na isa sa pinakaunang pelikulang Filipino na ipalalabas sa mga sinehan ngayong taon, may isang bagay kaya na nais sana ni Paulo na mangyari NGAYON, ano KAYA iyon?

Actually when… sasabihin ko sana ‘yung franchise ng ABS pero alam natin lahat na mahirap na,” at tumawa si Paulo. “So ‘yun lang, siguro sana mas lumakas pa ‘yung suporta ng Pilipinas sa pelikula natin na ginagawa natin dito.

“Kasi as we all know parang ‘yung highest grossing movies for the past couple of years hindi nga, hindi man lang Filipino, eh.

“So parang nakalulungkot.

“Hindi katulad sa India, na parang, ‘pag pelikula nila papanoorin nila, same with Thailand and other countries, Korea.

“Sana ganoon din po ‘yung dream ko for us na parang sana mas tinatangkilik ‘yung pelikula natin.”

Ang Ngayon Kaya ay idinirehe ni Prime Cruz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

https://www.instagram.com/p/CbrIQt_LxCC/?utm_source=ig_web_copy_link