Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

AKCUPI Affiliate magtatanghal ng dog shows

Ang Asia Pacific Sporting Dog Club, Inc. (APSDCI), affiliate ng Asian Kennel Club Union of the Philippines, Inc. (AKCUPI) ay magtatanghal ng ika-3 at ika-4 na All-Breed Championship Dog Shows sa Sabado, Setyembre 14 sa Cortes de Las Palmas Expansion, Alabang Town Center.

Ang mga kalahok ay huhusgahan ng homegrown judges, Ed C. Cruz, VP ng AKCUPI at international all-breed judge na may judging stints sa Europe at Asia at Jester Ong Chuan, na may judging stints din sa Asia at president ng American Cocker Spaniel Club of the Philippines (ACSCP), isa ring AKCUPI affiliate.

Ang dog shows ay pasisimulan ng morning events tulad ng pet blessing, dog games at canine trivia quiz.  Tampok din ang  “ My Dog’s Got Talent” (bukas sa junior at adult owners-handlers-trainers kasama ng kanilang mga aso, bukas sa lahat ng klaseng aso, kasama na ang mixed breeds at libreng anti-rabies vaccination.

Ang finalists mula sa pitong seven breed groupings – toy, herding, sporting, hound, terrier, non-sporting at working – ay magtatagisan upang masungkit ang Best Baby-Puppy, Best Philippine-born at Best in Show awards, na pinaka-highlight ng shows.

Ang kaganapan, na isasagawa sa pakikipagtulungan ng Alabang Town Center, AKCUPI, Vitality, Merial, Cassandra Care at Gerry’s Grill, ay pinagkakaabalahan ng APSDCI team na kinabibilangan nina Rosa Sy, chairman, Nancy Sia, president, Dinky Ang, vice-president, Jeanie Mendoza, treasurer at Patricia Carrascoso, Event Committee head.  Para sa detalye tungkol sa shows, tumawag kay Patricia Carroscoso, 09178173002, Willa Tecson, 09189211622 o AKCUPI Headquarters, tel. 3766597-98 o mag email sa [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …