Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Navotas Top 3 Most Wanted Person (NWP) MISTER NA WANTED, TIMBOG

HINDI na nakawala makaraang bitbitin ng mga awtoridad ang isang mister na tinaguriang  na listed bilang top 3 most wanted sa Navotas City matapos matimbog sa isinagawang manhunt operation ng pulisya, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas City  police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Reynaldo Tagle, 54 anyos, residente ng Block 34B Lot 45 Phase 2 Area 2 Dagat Dagatan, North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing lungsod.

Ayon kay Col. Ollaging, nakatanggap ang mga tauhan ng Navotas Police Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan ang akusado sa kanilang lugar.

Dakong 7:45 ng gabi, kaagad na  binumo ng team ang WSS, kasama ang Intelligence Section sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Luis Rufo at Sub-Station 4 saka isinagawa ang joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa kanyang bahay.

Si Tagle na listed bilang top 3 most wanted sa lungsod ay dinakip ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest ni Hon. Carlos M. Flores, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 73, Malabon City, para sa kasong RAPE UNDER ART, 266 OF RA 7610 & VIOL. OF SEC. 5 (B) OF RA 7610.

Nakapiit ngayon ang akusado sa Navotas City Police habang hinihintay ang issuance ng Commitment Order. (Rommel Sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …