Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sue Ramirez Diego Loyzaga

Diego na-pressure sa galing ni Sue — Kaya pinaghandaan ko talaga siya

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

GOOD friends pala sina Sue Ramirez at Diego Loyzaga kaya naman kapwa sila na-excite nang malamang magkakatrabaho sa Vivamax Original Movie na How to Love Mr. Heartless na idinirehe ni Jason Paul Laxamana.

Nagkasama na noon sina Sue at Diego sa isang teleserye, pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataong magkapareha at magkaroon ng maraming eksena kaya bale itong How to Love Mr. Heartless ang talagang masasabing first team-up nila.

Ayon kay Diego sobra siyang na-pressure nang malamang si Sue ang makakatrabaho niya dahil napakahusay na aktres nito kaya naman pinaghandaan talaga ng aktor ang aktres para sa bawat eksena nila’y hindi siya lamunin nito sa galing. 

First time ring naidirehe ni Direk Jason sina Sue at Diego pero puring-puri niya ang mga ito dahil sa husay. ‘Ika nga niya, isa ito sa pinaka-smooth na produksiyon na ginawa niya.

Mabuting magkaibigan sina Diego at Sue at matagal na silang hindi nagkikita at nagkakakuwentuhan kaya sa shooting ay talagang umaatikabong tsikahan ang ginawa nila.  

Nagkuwentuhan kami about the years that have passed na hindi kami magkausap and where she is now in life and I’m happy where she is in life. I’m so happy.

“For a friend of mine, I love hearing stories like that na you know, she’s got her priorities set. She has her house na. Sana ako rin, malapit na, sana ako rin,” nangingiting kuwento ni Diego sa virtual mediacon noong Martes.

“She’s happy with her love life, personal life, she’s set in life, she’s Sue Ramirez already and I can’t say anything else but I’m just so happy where my friend is at right now in her life,” dagdag pa ng aktor.

Kinompirma naman ni Sue na masaya siya kung nasaan siya ngayon.

I’m very, very contented with everything I have,” aniya. “Totoo ‘yung sinabi ni Diego na I’m in a good place right now in my life,” giit pa ng aktres.

Ang How to Love Mr. Heartless ay isang opposites-attract love story ng makulit at masayahing babae na si Yanyan (Sue) at ng snob at misteryosong lalaking si Blue (Diego). 

At dahil isang romance movie ang How to Love Mr Heartless natanong namin ang dalawa kung hanggang saan ang kaya nilang ibigay para sa pag-ibig? 

Lahat. Lahat-lahat ng…that’s my toxic trait, I always give too much. And hindi ako nagtitira para sa sarili ko pero I’m working on it,” sabi ni Diego.

“Nagulat lang ako, pero opo totoo, all or nothing kumbaga…kita mo naman kahit sa trabaho ganoon kami ni Diego, all out kami, wala namang ibang paraan, hindi ka naman pwede pumasok sa isang bagay na half hearted lang ‘di ba, hindi ka naman magiging masaya at hindi mo rin naman mapapasaya ang kapartner mo if ever,” sagot naman ni Sue.

Streaming na ang How to Love Mr. Heartless sa Vivamax simula June 17, 2022.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …