Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ariella Arida Tony Labrusca

ARIELLA ARIDA PALABAN DIN SA HUBARAN 
(Kayang makipagsabayan kina Kylie, Janelle, at Cindy)

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI pahuhuli si Ariella Arida sa pagpapakita ng kaseksihan at pagpapaka-daring sa mga kapwa niya beauty queen pero ayaw niyang makikipag-kompetensiya kina Cindy Miranda (Bb. Pilipinas Tourism 2013), Kylie Verzosa (Miss International 2016), at Janelle Tee (Miss Philippines Earth 2019).

Ani Ariella, hindi kompetisyon ang tingin niya sa paggawa nila ng pelikula. ‘It’s more of challenging yourself, especially ganoon naman sa life. Kung nasaan ka, it’s either laging may bagong dumarating.

“So, it’s challenging and it’s better to be like that. Kasi kung walang challenge, hindi mo mapu-push ‘yung sarili mo to do things na kaya mo palang gawin,” paliwanag ni Ariella sa isinagawang zoom media conference. 

Nabanggit din ni Ariella na gusto niyang magsama-sama silang apat sa isang proyekto sa Viva.  

“I’m actually dreaming na sa isang project, magkakasama kami. That’s exciting and kayo na ang bahalang humusga,” anito.

Sa Breathe Again, maraming sexy scenes sina Ariella at Tony Labrusca kaya natanong ang beauty queen kung hanggang saan ang limitasyon sa pagpapakita ng skin at handa ba siyang mag-all out. 

Basta depende sa story line, sa story ng film. Naniniwala naman ako na as long as it’s been taken very artsy something like that why not, sensual pa rin naman ang dating,” giit pa ni Ariella.

Actually hindi na bago kay  Ariella ang paggawa ng mga maseselang eksena matapos maging bahagi ng mga pelikulang tulad ng Sarap Mong Patayin at More Than Blue

Abangan kung gaano kainit ang kanyang eksena kasama si Tony.  Ito ang unang pelikula ni Labrusca sa Viva matapos ang dalawang taon.  Bumida siya sa Hindi Tayo Pwede noong 2020.  

Ang Breathe Again ang unang full length movie ni Raffy Francisco na kilala bilang direktor ng mga TV commercial.  Siya mismo ay mahilig sa dagat at ito ay makikita sa kanyang mga kuhang litrato.  

Ipalalabas ang Breathe Again sa Vivamax sa June 3, 2022.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …