Friday , November 15 2024
Baby Hands

Pag-abandona ng sanggol, naawat

PANIBAGONG insidente ng pag-abandona sa isang sanggol ang naitala Linggo ng hapon sa Caloocan City.

Dakong 5:00 ng hapon nang mamataan ni Irene Miguel, 45, Kagawad ng Barangay 120, BMBA Compoundsa 2nd Avenue sa naturang lungsod ang 15anyos na dalagitang may kapansanan sa pagsasalita at pandinig na karga ang isang tatlo hanggang apat na buwang gulang na sanggol na lalaki habang nakaupo sa sementong upuan ng multi-purpose hall ng barangay.

Nilapitan at hinimok ng Kagawad ang dalagita na sumama sa kanya sa loob ng barangay hall upang alamin kung kanino anak ang sanggol na kanyang karga.

Pagdating nila sa barangay hall, tinangkang kunin ng mga opisyal ng barangay ang sanggol sa dalagita subalit pumalag at nagalit ang menor-de-edad kaya’t inalam nila kung sino ang kanyang magulang.

Nagawa namang kontakin ng mga opisyal ng barangay ang ina ng menor-de-edad na dalagita at sa pamamagitan ng video call, tiniyak niyang hindi sa kanila ang kargang sanggol ng kanyang anak kaya’t ipinasiya ng mga opisyal ng barangay na kunin ang bata upang mailagay sa wastong pangangalaga.

Dahil patuloy na nagpumiglas ang dalagita sa pagnanais na huwag ibigay ang sanggol, pinapunta na ng mga opisyal ng barangay ang ina ng bata na si Elniña Macay, 30 ng Blk 2 Bldg II Int 101 Disiplina Village Bignay Valenzuela City sa kanilang barangay upang siya na ang kumausap sa anak.

Sa pamamagitan ng senyas, sinabi ng dalagita sa ina na iniwan sa kanya ang sanggol ng isang hindi niya lalaki na sakay ng motorsiklo.

Nang makarating sa kaalaman ni Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina ang insidente, kaagad niyang inatasan ang mga tauhan ng Women and Children Protection Desk (WCPD) na magresponde sa lugar upang matukoy kung sino ang ina ng sanggol.

Pinayuhan naman ng mga nagrespondeng pulis ang mga opisyal ng barangay na makipag-ugnayan sa Caloocan City Social Welfare and Development upang matugunan ng maayos ang pangangailangan ng sanggol.

Magugunita na noong nakaraang Biyernes ng tanghali, isang bagong silang na sanggol din ang iniwan ng isang babae sa ilalim ng puno sa may Capt. M. Reyes St. Brgy. Bangkal, Makati City na ngayon ay nasa pangangalaga na ng Makati City Social Development Center habang hinahanap pa ang babaing nag-abandona sa kanya. (Rommel Sales)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …