Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

De Lima ‘tipster’ ni Napoles? ayaw maniwala ng Palasyo

AYAW paniwalaan ng Malacañang ang pahayag ni Atty. Lorna Kapunan na galing din kay Justice Sec. Leila de Lima ang “tip” kaya nakapagtago ang kanyang kliyenteng si Janet Lim-Napoles.

Magugunitang imbes ang NBI, si De Lima ang itinuro ni Kapunan na siyang pinanggalingan ng impormasyon hinggil sa warrant of arrest ng Makati RTC.

Iginiit ni Kapunan na dahil sa abiso ni De Lima sa media, naalerto si Napoles kaya nakapagtago ng ilang linggo.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, iba ang bersyon ni De Lima, taliwas sa hirit ni Kapunan.

Una rito, inihayag ni Pangulong Benigno Aquino III na may kakasuhang NBI officials dahil sa nasabing leak.

Ito ang naging dahilan ng pagbibitiw ni NBI director Nonnatus Rojas at deputy director Edmund Arugay.

“I understand that Secretary De Lima believes otherwise,” ani Valte.                   (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …