Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shanti Dope Flow G

Shanti Dope at Flow G’s Kamusta MV 1M views agad  (Sa loob lamang ng 24 oras)

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

GUSTONG ulit-ulitin nina Shanti Dope at Flow G ang panonood ng kanilang Kamusta music video noong magkaroon ito ng red carpet premiere na ginawa sa SM Megamall Cinema 2 kamakailan. Sobra kasing saya ang naramdaman nila na napakaganda nang kilabasan ng music video.

Ang kantang Kamusta ay unang collaboration nina Shanti at Flow na ang concept ng music video ay isang  eye opening na tumatalakay sa depression.

Ang Kamusta music video ay ukol sa pag-take-advantage ng lalaki sa karelasyong babae na ipinakalat ang kanilang pagse-sex. Hindi iyon nakayanan ng babae kaya naman nagpakatiwakal ito.

Ang music video ay idinirehe ni Jeremy Lin ng Blck Mrkt, at ang story at concept ay mula kay Klum Cee. Kinunan ito sa isang roop top na kumakanta sila habang umuulan at parehong naka-white. 

“Sobrang solid nang kinalabasan (music video) kasi naging short film na nasa music video. Kumbaga mas nagkaroon ng buhay ang kanta nang magkaroon ng visuals. Kasi nakita mo iyong ipinararating niyong mensahe ng kanta,” esplika ni Shanti ukol sa kanta sa isinagawang media conference. 

Sinabi pa ni Shanti na bago nila ginawa ang MV ay pinagmimitingan muna nila. “Ginawa ang ganoong concept para mai-present, mas relatable at para mas maintindihan ng mga nakararanas nang ganoon (depression),” wika pa ni Shanti na noon din lamang napanood ang MV kaya naman nasabi ring gusto pang ulit-uliting mapanood dahil gandang-ganda siya. 

“Na feel ko lang, mas naramdaman ko na sulit ‘yung paggawa namin ng music video kasi tiniis namin ang ulan para magawa na siya. Mas naramdam ko siya na walang nasayang na oras doon kasi sobrang meaningful pala ng ginawa namin lalo na noong na play na ngayon kaya gusto naming mapanood uli,” sambit naman ni Flow G.

Nakabibilib na ang akala natin na easy-easy lang o hindi seryosong tulad nina Shanti at Flow G ay makagagawa ng isang meaningful o magiging inspirasyong awitin. Kaya isa lang ang patunay nito na sila bilang hip-hop artists ay hindi lamang kumakanta ng walang kabagay-bagay kundi  sila ay well-rounded individuals na hindi lamang echo for grunt and angst. At sa kanilang  lyrics, natalakay din nila ang isang importanteng bagay na marami ang naapektuhan lalo na nitong pandemic, ang mental wellness at iyong kung paano makatutulong sa mga taong may depression.

Kaya nga napaka-importante ang salitang kamusta sa bawat indibidwal dahil malaki ang maitutulong nito sa ating kapwa. Tulad nga ng sabi sa kantang Kamusta “Meron bang nakakubli sa likod ng ‘yong ngiti at kutitap ng iyong mga mata? Mabigat ba sa dibdib ‘pag laging pinipigilang sabihin ang iyong nadarama? Di mo gustong malaman ng mundo ang kahinaan mo Kung wala kang malapitan, Pwede mo akong sabihan.”

Samantala, agad namang naka-1M views ang Kamusta MVin less than 48 hours at kaagad ding nag-trending at number 2 for music sa Youtube. Ang bongga talaga nina Shanti Dope at Flow G. 

Ang Kamusta ay released globally ng Universal Records Philippines.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …