Wednesday , May 7 2025
lovers syota posas arrest

P.17-M shabu sa Vale
MAGSYOTANG TULAK, ISA PA, TIKLO SA SDEU

BAGSAK sa kulungan ang magsyotang kapwa ‘tulak,’ kasama ang isa pang hinihinalang drug personality, matapos makuhaan ng tintayang P17o,000 halaga ng shabu sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa Valenzuela City.

Batay sa ulat ni P/Cpl. Pamela Joy Catalla, dakong 5:00 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Joel Madregalejo ng buy bust operation sa San Vicente St., Brgy. Karuhatan, na nagresulta sa pagkakaaresto kina Jeric Alolod, 24 anyos, at Bernadette Elejorde, 30 anyos, kapwa residente sa Tangele St., Bancal Ext., Meycauayan, Bulacan.

Nakuha sa mga suspek ang nasa limang gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P34,000, P300 marked money, P100 cash at cellphone.

Dakong 2:30 am naman nang respondehan ng kabilang team ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Doddie Aguirre ang natanggap na tawag mula sa concerned citizen hinggil sa nagaganap na illegal drug activities sa Pacheco Bypass Road, Brgy. Lawang Bato na nagresulta sa pagkakaaresto kay Perlito Cuizon, Jr., 41 anyos, at Richelle Puno, 35 anyos, therapist, matapos maaktohang nag-aabutan ng shabu.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Ana Liza Antonio, nakompiska sa mga suspek, ang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu, may halagang P68,000, cellphone, P600 cash, at motorsiklo.

Nauna rito, dakong 11:20 pm, nakuhaan din ng aabot sa 10 gramo ng hinihinalang shabu, nasa P68,000 ang halaga at P30O cash ng isa pang team ng SDEU sa isinagawang validation sa Agapita St., Brgy. Gen. T. De Leon si Christopher Borbe, alyas Tetet, 35 anyos, residente sa nasabing lugar.

Kapwa nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

NAIA Accident Driver

Sa trahedya sa NAIA
Driver ng SUV negatibo sa droga, alcohol

NEGATIBO ang lumabas na resulta nitong Martes, 6 Mayo, sa drug at alcohol test ng …

Erwin Tulfo

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas …

050725 Hataw Frontpage

Menor de edad pinagtatrabaho sa illegal fish pen sa Sual  
2 CHINESE NATIONAL, 3 PINOY ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

HATAW News Team DALAWANG Chinese national at tatlong Pinoy ang inaresto matapos iturong sangkot sa …

Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba …

Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom …