Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gun Fire

Helper malubha sa pamamaril

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 21-anyos na helper matapos barilin ng isa sa dalawang hindi  nakilalang mga suspek sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang kinilalang  si Daniel Delos Santos, residente ng Block 20 Lot 72 Phase 2 Area 4, Brgy. Longos sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang pisngi,

Pinaghahanap naman ang mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang mga suspek matrapos ang pamamaril sa biktima.

Ayon kay Malabon  City police chief Col. Albert Barot, unang nag-inuman ang biktima at kanyang tatlong kaibigan sa loob ng JKHEN Motor Parts Shop sa  Leono St. Brgy. Tanong ng lungsod.

Dakong 1:00 ng madaling araw, habang naglilinis sila ng kanilang kalat matapos ang tagayan nang dumating ang mga suspek na nakasuot ng puting jacket at pants habang ang isa ay nakasuot naman ng dilaw na jersey at shorts pants.

Nagsilbing look-out ang isa habang pumasok naman sa loob ng shop ang gunman saka binaril ang biktima sa pisngi bago mabilis na nagsitakas patungong C4 Road.

Isinugod ang biktima ng kanyang mga kaibigan sa nasabing pagamutan habang ayon kay P/Major Ronald Carlos natukoy na nila ang gunman subalit, hindi muna nila pinangalanan habang nagpapatuloy ang hot pursuit operation.

Sinabi pa ni Maj. Carlos na pinaniniwalaang selos ang dahilan ng pamamaril dahil malapit umano ang biktima sa girlfriend ng suspek. (Rommel Sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …