Tuesday , August 12 2025
Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALK
ni Pilar Mateo

SINO Ang Bangkay

Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince Tañada. Ang may-ari ng Funeraria Corintho ay may mga misteryong itinatago sa mga taong may koneksiyon sa buhay niya.

Ang anak na si Isabel. Ang katiwala ng pamilyang si Miding. Ang katiwalang si Oryang. Ang kanang-kamay na si Lemuel. Ang mangingibig ni Oryang na si Luisito.

Isinulat ni Vince ang nasabing stageplay noong 2012. At nabiyayaan itong bigyang karangalan ng patimpalak sa panulat, ang Palanca.

At sa pagpapalabas nito ngayon sa maraming paraan, masasabing napapanahon pa rin ang intensyon nang isinalin sa pelikulang obrang sasalamin sa sari-saring interpretasyon ng mga manonood.

“One can only appreciate the light when one witnesses the darkness…’yun ang moral of the piece I wrote back in 2012. People might say that the concept and the story is that of the macabre, but then again, there will always be different interpretations to a story. It will always be subjective. This story is needed, timely and relevant, if only for the light that one sees in the darkness after things are presented with so much bleakness.”

Oo  may hubaran at maseselang mga eksenang kinailangang gawin sa pelikula. At lahat ng mga manggaganap ay sumailalim doon sa tawag ng kaselanan ng kanilang mga karakter.

At mahuhusay na nagampanan ito nina Mercedes Cabral (Miding), Vean Olmedo (Isabel Corintho), Lili Montelibano (Oryang), Juan Calma (Luisito), Johnrey Rivas (Lemuel), at Vince (Don Segismundo).

Si Mon Confiado pala dapat ang gaganap na Don Segismundo na siyang personal na choice ni Vince para sa Ang Bangkay. Pero dahil sunod-sunod ang locked-in tapings ni Mon sa Niño Niña hindi tumugma ang schedule niya para sa nasabing proyekto.

Tinanong namin si Mon kung kakayanin ba naman niya ang paghuhubad na ginawa ni Vince sa Ang Bangkay.

Sa dimples ni Mon na nakita namin sa kanyang ngiti, parang marami ang mas gustong makita ang ibang dimples ng aktor.

May mga susunod pa naman sigurong mapaghamong papel na muling ibibigay si Vince sa kanya. Huli siyang napanood sa Katips ng Philstagers.

Kahit naman nagpamalas ng mga kahubdan nilang kariktan ang mga kababaihang nagsiganap sa pelikula, hindi naman dapat na isiping may mali na sa kanilang mga ginawa.

Mayroon sa kanila na naging napakadali na ang maghubad sa harap ng kamera. Kaya kahit sa audition na dinaanan eh, walang pakundangan na itong nagawa. Alang-alang sa magiging trabaho nila.

‘Yun nga ang isang bagay na ipinaliwanag ng napakahusay na aktres na si Mercedes. Dito, hindi na niya inalintana ang bashing na pwede niyang matanggap sa ginawa niya sa isang eksena. Pero dahil aktres siya, inalis niya ‘yun sa isip para mas maging makatotohanan ang ipamamalas nila ng kaeksenang si Vince sa eksena.

Umaasa si Vince na makaikot ang Palanca Awardee na piyesang isa nang pelikula ngayon sa film festivals abroad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

MTRCB

MTRCB nakapagribyu ng mahigit 11,000 materyal nitong Hulyo 2025

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ALINSUNOD sa mandatong itaguyod ang responsableng panonood at matiyak ang …

Richard Quan How To Get Away From My Toxic Family

Richard Quan, ratsada sa sunod-sunod na projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD ngayon ang veteran actor na si Richard Quan sa …

Bela Padilla JC Santos Kyle Echarri 2

Kyle pressured sa pag-entra sa loveteam nina JC at Bela

NAG-HIT ang pelikulang minahal ng mga manonood, ang 100 Tula Para Kay Stella. Makalipas ang walong …

Sid Lucero Bea Binene PostHouse Mikhail Red

Sid at Bea haharapin halimaw ng mga sarili

INIHAHANDOG  ng Viva Films at Evolve Studios ang pinakaunang full-length film ni Nikolas Red, kasama ang kapatid na si Mikhail Red bilang creative …

Lito Lapid

Sen Lito nagpaliwanag boto sa impeachment case ni VP Sara

NANAWAGAN si Sen Lito Lapid na irespeto ang desisyon ng Supreme Court, magkaisa para sa katahimikan at …