Friday , May 9 2025
PROMDI ni Fernan AngelesI
PROMDI ni Fernan Angeles

Ambisyong maging DOE Secretary ni Devanadera, napurnada pa yata

PROMDI
ni Fernan Angeles

SA GITNA NG KRISIS sa enerhiya, higit na angkop para sa Department of Energy (DOE) ang isang Kalihim na hindi ignorante sa mga batas na may kaugnayan sa koryente at langis. 

Tumbukin na natin! Hindi ko kasi inaasahang sa bibig pa ni Energy Regulation Commission (ERC) chairperson Agnes Devanadera magmumula ang giit na pagbasura ng value added tax sa koryente – nang di na kailangan pa ang anomang batas.

Ang totoo, pasakit sa mga ordinaryong Pinoy ang mataas na buwanang singil sa koryente. Dapat lang naman gawan ng paraan ng pamahalaan na pababain ang presyong ipinatutupad ng mga pribadong kompanyang gaya ng Meralco.

Ani Devanadera, dating justice secretary sa administrasyon ni GMA, ‘di na kailangan ang Kongreso para ibasura ang VAT sa power generation. Hindi ako isang abogado at ‘di naman kailangan maging abogado para maunawaang Kongreso lang ang puwedeng gumawa ng batas.

Katunayan, ang mismong may akda ng Republic Act 10963 (Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law) ang mismong kumapon sa giit ng GMA appointee. Ayon kay House Committee on Ways and Means chairperson Joey Salceda, gawa ng Kongreso ang VAT, kaya Kongreso rin lang ang puwedeng magbasura o magrebisa sa tax law.

Walang panama ang isang reglamentong taliwas sa batas na binalangkas ng Kongreso at nilagdaan ng Pangulo.

At heto pa, mali rin aniya ang intindi ni Atty. Devanadera sa usaping double taxation sa VAT na ipinapataw sa generation charge at distribution charge. Sa tono ni Congressman Salceda, mukhang salat ang kaalaman ng ERC chairperson sa batas na may kaugnayan sa enerhiya. Ang masaklap, tila target pa niyang pumuwesto bilang Kalihim ng Department of Energy na bahagi ng Economic Team ng susunod na Pangulo. Nakupo!

Tama si Salceda, wala dapat pinapaboran ang VAT. Kung papatawan mo ng buwis ang pandesal na paborito ng isang simpleng pamilya, bakit di mo rin patawan ng buwis ang mga negosyanteng gumagawa ng harina at lebadurang sangkap sa tinapay?

Maraming paraan para pababain ang electricity rate nang hindi masasagasaan ang mga programa ng pamahalaan para sa mga mamamayan.

Mas angkop kung pag-aaralan muna niyang mabuti ang mga batas hinggil sa enerhiya para naman hindi siya nagmumukhang eng-eng.  Pero teka, ano ba nagawa niya bilang ERC chair? Meron naman – ang isulong ang interes ng taong nagluklok sa kanya sa puwesto, protektahan ang Aboitiz Power at pahintulutan ang walang puknat na dagdag singil ng mga power distribution companies sa mga konsumer – bagay na ginawa ng mga tulad nina Mikey Arroyo at ni outgoing Energy Secretary Al Cusi.

Sa dinaranas na problema ng bansa, hindi kailangan ang isang hilaw sa pag-unawa sa mandato ng target niyang ahensiya.

About Fernan Angeles

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …

Firing Line Robert Roque

Ano na ngayon ang tingin ng mga botante kay Pulong?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINABI ni Congressman Pulong Duterte na ipapa-“authenticate” niya sa …

Sipat Mat Vicencio

FPJ Panday Bayanihan Partylist para sa mapayapang halalan

SIPATni Mat Vicencio ILANG araw na lang at tuluyan nang magdedesisyon ang taongbayan kung sino …

Dragon Lady Amor Virata

Fake news requirement na National ID para sa pagboto, ayon sa Comelec

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ng Commission on Elections (COMELEC), ‘wag maniniwala sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit pipi ang PDP sa isyu ng West Philippine Sea?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BUKOD sa trabaho, food security, at kalusugan, isang pangunahing election issue …