Tuesday , December 31 2024

1602 live na live sa Pasay City! (Attention: NCRPO chief Gen. Marcelo Garbo) 1602 LIVE NA LIVE SA PASAY CITY! (ATTENTION: NCRPO chief Gen. Marcelo Garbo)

00 Bulabugin

IBANG klase talaga ang Pasay City.

Maraming naghahari-harian. Katunayan pati ang 1602 sa nasabing lungsod ay may bagong tatlong hari ngayon.

Kabilang nga sa mga lumutang na pangalan ngayon ay sina alyas PRINCE, ex-kaplog. LITO at isa pang alyas BRIAN.

Kumbaga bago na naman ang boss ng mga kabong sina Ruben, Roger Palengke sa Dolores area, Jing, Romy Banarez, Aling Che, isang alyas Dennis sa Nichols area, Ronald Labo, Logi, Aling Baby, Juancho sa Leve-riza area, at alyas Romy sa Facundo area.

Ang lotteng, EZ2, ending at bookies ng karera ay MILYON-MIL-YONES ang hatag kada buwan.

Southern Police District director, Chief Supt. Jose Erwin Villacorte baka gusto mong ipasuyod ang Taft-Villaruel, Tramo-Flores, P. Dandan- Tramo, Villanueva-Burgos, Tengco-Tramo, Sto. Niño-Taft- Tramo, Manguat-Lucban, at Taft-Inocencio-Aurora.

Ang balita natin, bago pa rumatsada ang bagyong Maring kasabay ng hanging habagat, ‘e binagyo ng pakilala ‘este’ raid ng SPD District Special Operation Unit (DSOU) ang dalawang pwesto ng bookies ng karera sa Salud at Leveriza St., sa Pasay City.

NCRPO chief. Dir. Gen. Marcelo Garbo, mukhang tutulog-tulog lang sa pansitan ang bata mong si S/Supt. Rodolfo Llorca d’yan sa Pasay City.

Mukhang enjoy na enjoy siya d’yan sa lungsod na tinaguriang ‘SIN CITY’ at may slogan na “the fun begins here.”

Sa Pasay City, they’ve got it all. Name it and they have it … illegal terminal, illegal vendors, ‘kakaibang’ sauna bath, casino, motel and beerhouses na mayroong cubicle, saklang patay, saklang puesto pijo, at mga video karera ni BOY ALASAR.

General Villacorte, General Garbo, ano po ang masasabi ninyo kay Kernel Llorca?!

 

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *