Saturday , December 21 2024

Suportahan natin si Sen. Franklin Drilon

DAPAT natin suportahan nang buong sigasig si Senador Franklin Drilon sa kanyang panukala na buwagin na lamang ang kongreso kung talagang ibig natin mawala ang pork barrel at mabawasan ang katiwalian sa lipunan.

Mahusay ang panukalang ito ni Drilon at mabuting matupad ito sa lalong madaling panahon sapagkat ang ating kongreso ngayon ay pinaghaharian lamang ng mga pul-politikong salot at pabigat sa bulsa ng bayan.  Hindi ko akalain na maiisip ng magiting na senador ang bagay na ito. Sana ay hindi lamang siya nabigla sa kanyang sinabi kamakailan.

Mabuhay ka Senador Drilon. Susuportahan ka namin sa iyong panukala.

* * *

Marami ang nagsabi sa inyong lingkod na mabuti ngang hayaan na lamang ang ehekutibong sangay ng pamahalaan ang bumalangkas ng mga batas tutal ito rin lang naman ang institusyong talagang nasusunod pagdating sa lehislasyon. Sabi ng mga kausap natin ginagamit ng ehekutibong sangay ng pamahalaan ang kakayahan na ipamumudmod ang pork barrel bilang insentibo sa mga pul-politikong adik sa salapi.

Hmmm mukhang malinaw na ngayon sa bayan na ang talagang layunin ng pork barrel ay upang mabigyang sigla ang mga pul-politiko sa pagsunod sa kagustuhan ng Malacañang. Parang padulas ang pork barrel upang maging banayad ang takbo ng kongreso at maisabatas ang mga rekomendasyon ng ehekutibo.

Ngayon kung lulusawin ang kongreso tulad ng ibig mangyari ni Senador Drilon ay magagamit na ang pork barrel hindi para patabain ang bulsa ng mga ganid na pul-politiko kundi para mapondohan ang mga higit na makabuluhang pagkakagastusan ng pamahalaan.

Mabuhay ka Senador Drilon. Susuportahan ka namin sa iyong panukala.

* * *

Ngayon kung wala na ang kongreso hayaan natin ang mga lokal na pamahalaan na lamang (mula sa lalawigan, mga lungsod hanggang sa pinakamaliit na munisipyo) ang bumalangakas ng mga lokal na batas na angkop sa kanilang hurisdiksyon katulad ng ginagawa na nila ngayon. Tiyak na liliit ang gastusin ng pamahalaan kapag nanagyari ito.

‘E bakit ‘ika n’yo? Kasi ang mga miyembro ng kongreso kahit hindi pumapasok kumikita. Kahit na nagsyusyuting o nasa ibang bansa sa mga torneo o championship bouts o kung ano pang walang kwentang kanilang pinagkakaabalahan binabayaran sila mula sa kaban ng bayan, bukod pa ‘yan sa pork barrel na tinatanggap nila. Ganyan kakapal ang mukha ng mga iyan … may ibang negosyo sa panahon ng tinatawag na “official time.”

Walang ipinag-iba ‘yan sa ginagawang pang-aabuso ng mga makapangyarihang opisyal ng pamahalaan sa mga sasakyan ng gobyerno para sa kanilang pribadong mga lakad. Hindi ba? Kapag maliit na empleyado ng pamahalaan bawal mag-moonlight sa oras ng trabaho pero kapag miyembro ng kongreso …ok lang…makapal kasi ‘e.

Kaya buwagin na ang kongreso nang lumiit ang gastusin ng pamahalaan at mabawasan ang makakapal ang mukhang pul-politiko.

Mabuhay ka Senador Drilon. Susuportahan ka namin sa iyong panukala.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa  [email protected] para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *