For you make me glad by your deeds, O Lord; I sing for joy at the works of your hands. —Psalm 92:4
MARAMI tayong natanggap na impormasyon na napakarami palang mga itinalagang opisyal sa Manila City hall na kuwestyonable ang kredensyal at pagkatao.
Natanggap natin ito makaraang ilabas natin kahapon sa ating kolum sa police files toniteang kaso ni Chairman Raphael Mendez ng Brgy 131 Zone 11 ng District 1 sa Tundo.
***
SI ex-Chairman Mendez ay sinipa ng Office of the Ombudsman bilang Punong Barangay dahil sa kasong grave misconduct and prejudicial to the best interest of the service na isinampa sa kanya ng complainant na isang Aljon Trading.
Kasong administratibo ito na may karampatang parusa na pagpapatalsik sa posisyon sa gobyerno.
Ang resulta, guilty si Mendez!
***
GAYA sa legal na kalakaran, ipinalit kay Mendez bilang Punong Barangay si Kagawad Armando Cabrera. Si Cabrera ang 1st Kagawad ng kanilang barangay.
Pormal siyang iniupo ni Atty. Cherry Canda-Melodias, CESO V ng DILG-NCR bilang Chairman nitong Agosto 30, 2013.
***
SUBALI’T sa kabila ng desisyong “dismissal from government service” na inilabas ng Ombudsman nitong Marso 4, 2013, nahirang pa rin si Mendez nitong Hulyo 1, 2013 bilangofficer in charge ng pinakamalaking pampublikong sementeryo sa bansa——ang Manila North Cemetery.
Kuwestyonable ang pagkakatalaga kay Mendez dahil hindi man lang inisip o isinaalang-alang ng sino mang nagtalaga o nag-endoso sa kanya ang naging desisyon ng Ombudsman na pagpapatalsik sa kanya sa gobyerno.
***
NGAYON, hindi naman pala nag-iisa si Mendez. Ayon sa ating tipster, ilan sa mga itinalaga sa city hall, kundi may kaso ay naman hindi kuwalipikado sa ibinigay na posisyon.
Gaya umano ng itinalagang officer in charge ng Manila Barangay Bureau (MBB)na si ex-Chairman Jesus Payad. Hindi natin minamaliit ang nakuhang edukasyon ni Payad subalit lumalabas na high school graduate lang siya at walang civil service eligibility na rekisitos sa ano mang posisyon sa gobyerno.
***
GAYONDIN ang isang Dexter Carter na officer in charge din sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB). Si Dexter ay dating drayber ng service ambulance na pinamamahalaan ng Office of the Vice Mayor.
Nakakuha siya ng item sa city council bilang “page boy” at walang karanasan sa pag-estima ng problema ng trapiko sa Maynila.
***
KAYA sa tingin ng inyong lingkod ay nararapat lamang na silipin ito ng Civil Service Commission (CSC) ang ahensyang accountable sa lahat ng naglilingkod sa ating gobyerno.
Huwag sana silang magtengang kawali sa usapin ito. Nakataya ang kredibilidad ng ating buong burukrasya dito.
***
AT sana makarating din kay Presidente Joseph Estrada ang mga impormasyon na ito na maaaring nalinlang sa tunay na nangyayari sa city hall.
Naku, ayaw ni President Erap nang ganyan!
BATO-BATO SA LANGIT
ANG MAGALIT, GUILTY!
NAGHIHIMUTOK daw sa inis at galit si ex-Councilor Ric Ibay nang banggitin natin ang kanyang pangalan na isa sa mga “organizer” sa pagkalat ng vendors sa Bonifacio Shrine sa Arroceros.
Aba, ex-Councilor Ibay, ako rin naghihimutok sa galit nang ipagpilitan mo sa vendors d’yan na may natatangap akong ‘tongpats’ sa kanila.
Pero ano ang sagot nila sa ‘iyo—wala po hinihinge si Chairman sa amin!
***
KAYA maghunos-dili ka at baka hindi mo nalalaman ang mga paninirang pinagsasabi mo sa akin. Hi-tech ngayon ang “karma” baka bumalandra sa pagmumukha mo ang lahat ng ibinabato mo sa akin.
At si ‘tongsehal’ Let Let awww! na nagsisilbing protektor ng grupo ni Letty Ariola, Arnel at Levy Silverio sa kanilang illegal terminal na hindi magalaw-galaw d’yan sa Magallanes drive, papasok ng Collegio de San Juan de Letran. Huwag n’yo na akong siraan kay Presidente Erap, mangotong nang mangotong na lang kayo hanggang gusto n’yo!
Hanggang mabulunan kayo!
HAPPY BIRTHDAY
ATTY. BIMBO QUINTOS!
HAPPY happy birthday sa ating kaibigan na si ex-Councilor Atty. Bimbo Quintos na nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon.
Maraming taga-Distrito IV ang nanghihinayang sa hindi pagkakapanalo muli ni Atty. Quintos bilang Konsehal nitong 2013 election.
***
SI Atty. Quintos sana ang magsisilbing ‘fiscalizer’ sa City Council upang mabalanse ang mga isyung may kinalaman sa pamamalakad sa city hall.
Pero sa kabila nito, marami pa rin ang nagpakita ng pagmamahal sa kanya nang magsidalo sa kanyang birthday party sa isang restaurant sa Pasay City. Kabilang si Mayor Alfredo Lim sa bumati kay Atty. Bimbo na itinuturing na pinakamagaling na abogado at anak ng Sampaloc.
Again, Happy Birthday Atty. Bimbo!
PAHABOL: Inaanyayahan natin ang ating masugid na mambabasa na makinig din po kayo sa programa ng ating mga katotong sina Percy Lapid at bossing Jerry Yap sa radio program naKATAPAT sa DWBL AM Radio 1242 Khz sa talahipitan.
Nagsisimula ang makabuluhang programa mula 11pm hanggang 12midnight. Masusing tinatalakay nina Lapid at Yap ang mga usapin nakaaapekto sa ating lipunan at nagbibigay ng maliwanag na opinyon at solusyon.
More power sa Katapat sa DWBL!
Chairwoman Ligaya V. Santos