Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathniel 2 Good 2 Be True

Serye ng KathNiel na 2 Good 2 Be True number 1 sa Netflix Phils 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NANGUNA agad sa listahan ng most watched series ng Netflix Philippinesang comeback teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na 2 Good 2 Be True ang No.1 spot

Kaya naman agad nagpaabot ng pasasalamat si Kathryn sa mga tumangkilik ng serye.

“Sobrang pasasalamat siyempre kasi ang tagal natin itong trinabaho tapos para makita mo ‘yung reaction ng tao na natanggap nila nang buong-buo,” ani ni Kathryn sa gap show ng serye sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

Bukod sa Netflix, inantabayanan din ng viewers ang pag-ere ng pilot episode sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, Jeepney TV, atCinemo noong Lunes na agad nakakuha ng 130,000 concurrent viewers sa YouTube channel ng ABS-CBN.

Samo’tsaring emosyon ang naramdaman ng publiko sa unang episode kung paano nalusutan at nagtagumpay si Eloy (Daniel) at ang kanyang barkada sa pinlano nilang pagnanakaw ng pera sa may-ari ng hotel na nakabangga kay Mang Ben (Earl Ignacio). Sa kasamaang palad, naalala ni Ali (Kath) ang amoy ni Eloy ng ilang beses sila nagkabangga sa hotel na sinamahan niya ang kanyang pasyente.

Umani rin ng magagandang papuri mula sa netizens ang palabas sa maganda nitong cinematography at nakaaaliw na eksena ng KathNiel at iba pa nitong cast members.

Tweet ni @mrandmrsford, “Yung kailangan ko ulitin mga episode kasi nauuna ung kilig ko kaysa sa intindihin ung story. team kilig.”

“Now watching #2Good2BeTrue shocks umpisa pa lang ang ganda na parang movie,” saad naman ni @alexagail_.

Sabi ni @btrzkji, “Ang ganda kasi ng pagkakabuo ng 2 Good 2 Be True nila Kathryn and Daniel. It was worth the wait for us, fans. Sobrang quality ng bawat episode na nilalabas so aabangan mo talaga. Congratulations sa buong team ng 2G2BT! #2GoodAtFirstSight. “

Patuloy na napapanood ang advance episodes ng 2 Good 2 Be True  sa Netflix at iWantTFC. Maaari ring subaybayan ang serye mula Lunes hanggang Biyernes, 8:40 p.m. saKapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, Jeepney TV, at Cinemo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …