LUMUSOT sa committee level ng Senado ang panukalang P2.8 bilyong budget ng Office of the President nang walang kahirap-hirap sa kabila ng panawagan ng taong bayan na alisin na rin ang pork barrel ni Pangulong Benigno Noynoy Aquino III.
Sa budget hearing ng Senate committee on finance na pinamumunuan ni Senador Francis “Chiz” Escudero, mismong si Executive Secretary Paquito Ochoa ang nagpaliwanag sa pondo ng Pangulo at pagkatapos nito ay wala nang katanungan ang mga senador.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Escudero na kortosiya para sa tanggapan ng Pangulo na ipasa ang budget nito na wala nang tanong mula sa mga senador.
Samantala, sa budget deliberation, walang kahirap-hirap din pumasa ang P2.88 billion na pondo ng Commission on Elections.
(NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)