Tuesday , April 15 2025

Pinoys binalaan vs air strikes ng US vs Syria

PINAYUHAN ng Department of Foreign Affairs ang lahat ng mga Filipino sa Syria na umiwas sa mga lugar na posibleng target ng airstrikes ng Amerika

Ang payo ay ginawa ng DFA makaraan magpahiwatig si US President Barack Obama ng unilateral action laban sa Syria bilang tugon sa chemical weapons attack na pumatay sa mahigit isang libong sibilyan sa labas ng Damascus kamakailan.

Ayon kay DFA spokesperson at Assistant Secretary Raul Hernandez, inaantabayanan na ang pagdating sa Manila ngayong linggo ng kabuuang 1,060 Filipino mula sa Syria matapos mabigyan ng exit clearance ng Syrian government at ligtas na nakatawid sa Masna’a border sa Lebanon.

Sinabi ni Hernandez, noong Agosto 30, 68 Filipino ang nabigyan ng exit visa at unang nakatawid sa Masna’a border sa Lebanon habang inaayos na rin ang exit visa transfer ng 92 iba pa sa  Beirut na matatapos sa Setyembre 7.

Pinaiiwas din ni Hernandez ang mga Filipino sa mga lugar na posibleng target ng airstrike, tulad ng military installations, telecommunications facilities at defense buildings.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *