Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Richard Gomez Lucy Torres

Pagkapanalo nina Goma at Lucy ‘di nakapagtataka

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKANGITI si Cong. Richard Gomez habang umiinom ng softdrinks pagkatapos ng kanilang proclamation ng asawang si Lucy Torres-Gomez na siya namang mayor ng lunsod. Madaling-madali para sa mag-asawa na manalo, kahit na mabibigat din naman ang kanilang kalaban. Una napatunayan ni Lucy ang mga nagawa niya bilang congresswoman, at si Goma naman, matindi rin ang nagawa bilang mayor ng Ormoc. Nakapagtayo na sila ng isang partidong local at lahat sila ay nanalo. Kasi nga may nagawa.

Matatalino na ang mga tao ngayon. Kung ikaw ay ngawa lang nang ngawa at wala namang maipakitang nagawa, hindi ka nila iboboto kahit na gaano pa kasikat ang artistang magkampanya para sa iyo. Malamang nga sa hindi matangay mo pa sa pagbagsak ang artistang nagkampanya para sa iyo.

Isang magandang example na nga ang isang dating sikat na female star, dahil sa kanyang mga political alliance ay bumagsak ang career, sunod-sunod na flops na ang mga pelikula, wala nang naririnig na kanta, at sinabit na nga sa serye, hindi pa nakatulong sa ratings.

Iyan kasing politika, aminin man natin o hindi, parang popularity ratings iyan eh. Basta ang nasamahan  mo hindi talagang sikat babagsak ka rin. Hindi mo masabing sikat kang artista, iyong walang binatbat na politko ay kaya mong batakin ang popularidad. Ikaw ang babatakin nila pababa.

Kailangan din wholesome at magiliw ang dating sa mga tao, hindi saksakan ng yabang na ang akala mo siya lang ang magaling. Walang magaling na politiko kung walang pakikisama. Pakisamahan iyan dahil kung hindi makikipagtulungan sa iyo ang ibang politiko, wala ka rin. Titingnan din kung ang mga anak mo ba matino. Kasi kung wala rin sa ayos ang anak mo, sasabihin ng tao pamilya mo nga hindi mo maiayos, bayan  pa?

Kaya para kina Goma at Lucy, plus factor din na matinong bata at matalino si Juliana, maganda pa, at hindi mayabang. Dito sa atin kung minsan kung sino pa iyong pangit siya pang mayayabang.

Si Juliana maganda, modelo, at isa pang atleta. Eh kung ikaw ay trying hard lang na hindi naman sumikat, at mayabang ka pa dahil naniniwala kang sikat ang magulang mo, bobo ka.

Kaya kung madali mang nanalo si Congressman Goma at Mayor Lucy, hindi kami nagtataka.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …