Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

UAAP may kompiyansa kay Loyzaga

NANINIWALA ang punong abala ng UAAP Season 76 na Adamson University na mahusay ang trabaho ni Chito Loyzaga bilang komisyuner ng men’s basketball.

Sa lingguhang forum ng Philippine Sportswriters Association (PSA) kahapon sa Shakey’s Malate, iginiit ng secretary-general ng UAAP na si Malou Isip na suportado ng liga ang lahat ng mga desisyon ni Loyzaga tungkol sa mga suspensiyong ipinataw niya sa mga manlalarong sangkot sa suntukan at tulakan sa loob ng court.

“We have faith in Commissioner Chito and whatever sanctions he does, it’s good for the league,” wika ni Isip. “He wants to promote fair play, which we are trying to promote in the UAAP and we stand by whatever penalties he will slap on erring players. We gave him the authority to sanction erring players.”

Kamakailan lang ay pinarusahan ni Loyzaga ng suspensiyon ang tatlong manlalaro ng University of the East na sina Charles Mammie, Lord Casajeros at Ralf Olivares dahil sa kani-kanilang pagtulak sa court.

Inaapela ngayon ng UE ang suspensiyon ni OIivares bago ang laro ng Warriors mamaya kontra De La Salle University.

Sinabi rin ni Isip na ang mga larong pinagpaliban noong Agosto 21 dahil sa sama ng panahon ay gagawin sa Setyembre 18 sa Smart Araneta Coliseum.

Maglalaban ang UE at University of the Philippines sa alas-2 ng hapon at Ateneo kalaban ang University of Santo Tomas sa alas-4.

Sa nasabi ring PSA Forum, sinabi ng team manager ng Adamson men’s basketball na si Gilbert Cruz na wala pang desisyon ang pamunuan ng Falcons tungkol sa napabalitang pagbibitiw ni head coach Leo Austria sa pagtatapos ng Season 76.

Noong Sabado ay sinabi ni Austria na ayaw na niyang hawakan ang Falcons dahil sa tingin niya, hindi na niya kaya ang sobrang tindi ng pressure mula sa mga alumni ng Adamson tungkol sa kanyang trabaho.

Idinagdag ni Cruz na isa sa mga kinukunsiderang kapalit ni Austria kung magbibitiw na talaga ang huli ay ang dating PBA player na si Kenneth Duremdes na naglaro para sa Falcons noong dekada ’90.

Dating naging coach si Duremdes ng Coca-Cola Tigers sa PBA.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …