Thursday , December 19 2024
PNP Prison

6 Caloocan police sa robbery tumangging makaboto

TUMANGGI ang anim na pulis ng Caloocan City na isinailalim sa restrictive custody dahil sa pagkakasangkot sa insidente ng robbery noong 27 Marso 2022 na gamitin ang kanilang karapatang bumoto noong Lunes.

Ang anim na pulis, kinilalang sina Noel Sison, Rommel Toribio, Ryan Sammy Mateo, Jake Rosima, Mark Christian Cabanilla, at Daryl Sablay, pawang may mga ranggong police corporal ay lumagda sa blotter na nagsasaad ng kanilang kawalan ng interes na gamitin ang kanilang karapatan sa pagboto sa kabila ng pagsisikap na ginawa ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) na tulungan sila.

Ikinatuwiran ng mga pulis, ang polling precinct kung saan kailangan nilang bumoto ay malapit lamang sa lugar kung saan nakatira ang nagrereklamo at ang kanyang mga kamag-anak.

Ang mga sangkot na pulis na dinisarmahan ng kanilang service firearm ay kasalukuyang nasa ilalim ng mahigpit na kustodiya ng DSOU sa pamumuno ni P/Lt. Col. Jay Dimaandal kasunod ng administratibong reklamo para sa grave misconduct na inihain laban sa kanila ng Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng Internal Affairs Service nito.

Sa ngayon, walang kasong kriminal ang isinampa laban sa anim na pulis matapos magpakita ng kawalan ng interes ng kanilang biktima, isang 39-anyos sidewalk vendor na kinilalang si Eddie Yuson.

Gayonman, lumabas sa isang CCTV footage na nag-viral, ang biktima ay sinaktan at hinalughog ang mga personal na gamit ng mga pulis na pawang nakatalaga sa Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) saka kinuha umano ang kanyang pera na nagkakahalaga ng P14,000 na ibinigay sa kanya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa tulong ni Caloocan Rep. Dale “Along” Malapitan.

Ang relieve order laban sa anim na pulis ay nagmula sa hierarchy ng PNP upang magkaroon ng patas na imbestigasyon. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …