Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

SIKLISTA NAGULUNGAN NG TRACTOR HEAD

PATAY ang isang siklista matapos mabangga at magulungan ng isang tractor head sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Dexter Cabug-Os, 41 anyos, pintor, at residente sa Malaya St., Brgy. 28, ng lungsod, sanhi ng pinsala sa ulo at katawan.

Nakapiit ngayon habang nahaharap sa kaukulang kaso ang driver ng Mitsubishi Tractor Head, may plakang NGA 3241, kinilala bilang si Jeffrey Bombales, 34 anyos ng Bacoor Cavite.

Sa nakarating na report kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina, Jr., dakong 8:48 pm, binabagtas ng biktima sakay ng kanyang bisikleta ang Dagat-Dagatan Avenue ngunit pagsapit sa kanto ng Lapu-Lapu Avenue, Brgy. 8, ay nabangga ng sasakyan na minaneho ni Bombales ang likurang bahagi ng biktima.

Nang bumagsak ang biktima, nagulunga ng kanang gulong ng tractor head na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan. Sumuko si Bombales sa pulisya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …