Monday , November 18 2024

Jen aminadong iba ang saya sa pagdating ni Baby D

MAY mensahe ang bagong Mommy na si Jennylyn Mercado.

“Hello Bessies! As you know, kakapanganak ko pa lang sa bagong miyembro ng family namin ni Dennis— our very first baby girl!

“Iba yung saya na nararamdaman namin sa pagdating ni baby “D” pero nariyan din siyempre ang kaba at pag-aalala para sa kanya. Aaminin ko stressful para sa akin ang nangyayari sa bansa natin ngayon kaya pinili ko manahimik muna at magfocus sa aking pagbubuntis. Pero syempre hindi rin maari na hindi ako manindigan lalong lalo na ngayon na may bago akong silang na anak. Kinabukasan niya ang nakasalalay dito e.

“Gusto ko mabuhay siya sa lipunang malaya, ligtas, at puno ng pagmamahal.

“Gusto ko maranasan niya ang buhay tapat at may dangal.

“Gusto ko manirahan siya sa bansang umiiral ang katarungan, iginagalang ang karapatan ng bawat tao, at pinapangalagaan ang kalikasan pati na ang mga hayop.

“Gusto ko lumaki ang anak ko na ang future bessies niya sa LGBTQIA+ community ay malayang tumatamasa ng pantay na karapatan sa mata ng batas.

“At higit sa lahat, gusto ko mamuhay siya na walang takot at pangamba dahil nirerespeto siya bilang isang babae. Iginagalang, kinikilala ang kakayahan, hindi nililimitahan, at hindi binabastos.

“Kaya sa darating na may 9, iboto natin ang pangulo na ultimate survivor din tulad ko— si Vice President Leni Robredo.

“Ultimate survivor siya bilang single mom sa kanyang tatlong anak.

“Ultimate survivor din siya pagdating sa paglilingkod sa kabila ng kakulangan sa budget ng kanyang tanggapan.

“At siyempre, ultimate survivor siya sa labang ito para sa pagkapangulo dahil naniniwala ako that she is the best choice for the job. In the end, the last man standing is really going to be a woman. Naniniwala ako doon. Puno ang puso ko ng pag-asa lalo pa’t ngayon pa lang nai-inspire nya na ang libo libong Pilipino na magkaisa at isulong ang mas maayos na Pilipinas.

“Kaya ako kasama ng buong pamilya namin ni Dennis ay sumusuporta kay Vice President Leni Robredo para maging susunod na pangulo.

“Tara na bessies, sama sama nating ipanalo ang halalang ito para sa lahat ng Pilipino. Let’s go out, vote, and make the Leni-Kiko tandem our ultimate choice sa balota.”

ANO sa tingin niyo? Matutupad kaya ang pangarap ni Jen para sa pamilya nila ni Dennis?

About Pilar Mateo

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Miss Universe crown

Crown sa Miss Universe gawa ng Pinoy

I-FLEXni Jun Nardo KAHIT hindi manalo bilang Miss Universe ang pambato ng bansa na si Chelsea Manalo, panalo …

Roderick Paulate Mga Batang Riles

Roderick balik-GMA, ABS-CBN masikip na sa 2 Rhoda

I-FLEXni Jun Nardo NATUWA naman kami nang makita si Roderick Paulate sa trailer ng coming GMA series na Mga Batang …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …