Sunday , December 22 2024

Order of Battle ni Biazon, balewala kay smuggler JR Tolentino

KAMAKALAWA ay lumabas sa pahayagan na kesyo ipinag-utos daw ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rozzano ‘Ruffy’ Biazon ang paglalagay ng ‘Order of Battle’ (OB) laban sa mga indibiduwal at grupo na sangkot sa smuggling.

Ang hindi natin alam ay kung may kinalaman ang pagpapalabas ni Biazon ng nasabing praise release ‘este’ press release pala ay dahil sa pagkakabulgar natin noong nakaraang linggo sa BIGTIME SMUGGLING ni JR TOLENTINO at ng kanyang mga kasabwat na Customs official sa Port of Manila (PoM) at Manila International Container Port (MICP).

Ibig bang sabihin, sa loob ng mahigit dalawang taon ay hindi pa rin kilala ni Biazon hanggang ngayon kung sino-sino ang mga smuggler at ang mga kasabwat nila sa Customs kung kaya’t ngayon pa lang siya gagawa ng OB?

Hindi kaya maisip ng publiko na ginagawang uto-uto ni Biazon si Pang. Noynoy Aquino?

Dahil noon ay bata pa siya at may gatas pa sa labi kaya siguro hindi nabalitaan ni Biazon na noong senador pa ang tatay niya ay inimbestigahan na ng Senado ang mga smuggler sa bansa na nasa OB na inilabas ng Malacañang.

Bakit hindi ipagtanong ni Biazon kung bakit walang nangyari sa isinagawang imbestigasyon laban sa mga smuggler noong panahon ni ousted president at convicted plunderer Erap Estrada na dating kapartido ng kanyang ama.

Para sa kaalaman ni Biazon, naka-korto pa lang siya ay kilala nang pusakal na smuggler ang damuhong si JR Tolentino, isa sa binansagang ‘TOLENTINO BROTHERS’ na kilabot pagdating sa larangan ng smuggling.

CONSIGNEES AT BROKER

NI JR TOLENTINO,

IMBESTIGAHAN SA SMUGGLING!

IPINAGYAYABANG ng ismagler na si alyas JR Tolentino na bukod sa matataas na opisyal ng PoM at MICP, naghahatag rin siya ng ‘TARA’ sa media kung kaya’t hindi magagawang mapatigil ang kanyang mga palusot na kontrabando sa Customs.

Kada linggo, si JR Tolentino ay nagpapalusot ng mula 100 hanggang 200×40 container van sa teritoryo nina ROGEL GATCHALIAN at BOYSIE BELMONTE, district collectors ng PoM at MICP, ayon sa pagkakasunod.

Matatandaang si Gatchalian ay nabulgar na inirekomenda ni SENATOR JUAN PONCE ENRILE at ng sekretarya niyang si MADAM GIGI REYES noong nakaraang administrasyon ni GMA kahit hindi kuwalipikado sa promotion at mapuwesto bilang hepe ng PoM.

Si Belmonte naman ay nakababatang kapatid ni PORK BARREL SPEAKER SONNY BELMONTE.

Ang mga kargamento ni JR Tolentino ay pawang MISDECLARED at hindi ibinabayad ng karampatang buwis at dahil diyan ay malaki ang nalulugi sa pamahalaan.

Ang MISDECLARATION ay ang ‘di pagdedeklara sa tunay na laman ng kargamento at ito ay paraan na hindi lamang ginagamit upang makaiwas sa mga taripa at tamang buwis na dapat pagbayaran sa gobyerno kundi pati sa pagpapalusot at importasyon ng mga kontrabando tulad ng mamahaling alak, droga (SHABU) at mga PRODUKTONG IPINAGBABAWAL (IPR violation), na ayon mismo kay Pang. Aquino ay talamak na nangyayari sa BoC.

Ginagamit ni Tolentino sa kanyang smuggling bilang consignees ang mga kompanyang: SPRINTLINE; SILENT ROYALTY; CONCRETE SOLUTIONS; HELLO MULTISALES; SHOCKWAVE; ROPERA MARKETING; Y2 INDUSTRIAL; JP ENERGY SOLUTION; RGEL TRADING; WAN HONG CONSTRUCTION; THULE CAR ACCESSORIES; JYC SPARKLING; AT ANG GITTI AND PACKAGES DESIGN.

Sina KENNETH QUIAL at RICHARD GEONZON naman ang mga umaaktong ‘BROKER’ kuno na lumalakad sa mga palusot na kontrabando ni JR Tolentino.

“PATALON/PALUNDAG SECTIONS”

KAILANGAN pa bang gumawa ng OB si Biazon kung talagang may ipinatutupad na reporma sa Customs at kampanya ang pamahalaan laban sa smuggling?

Sapat ang mga impormasyong ito kung talagang naghahanap si Biazon ng mga smuggler na masasampolan.

Ang tanging gagawin na lamang nila ay alamin kung saan-saang “PATALON SECTIONS” sa Formal Entry Divisions (FED) ng PoM at MICP pinapalundag ang mga kontrabando ni JR Tolentino gamit ang mga nabanggit na consignees na tinatrabaho nina Quial at Geonzon.

Abangan!

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *