Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 parak dedo sa duwelo sa sabungan

IMBES mga manok ang maglaban sa sabungan, mismong mga sabungero ang nagpambuno at nauwi sa madugong barilan na ikinamatay ng isang license officer at isang dating pulis sa Tondo, Maynila.

Dead-on-the-spot si SPO2 Roberto Paulino, 56, retired police, residente ng 74 San Miguel Rd., Delpan, Binondo, Maynila, matapos makipagpalitan ng putok sa suspek na si Julieto Oliver, 41, isang license officer, naninirahan sa 565 Area-A, Gate 2 Parola, Tondo, Maynila na binawian rin ng buhay matapos isugod sa ospital.

Ayon sa inisyal na ulat ni SPO1 Jonathan Moreno sa Manila Police District (MPD)–Homicide Section, nagsasabong umano ang dalawa nang magkaroon ng pagtatalo na nauwi sa pagsuntok ng biktima sa suspek.

Agad bumunot ang suspek ng kalibre. 45 at pinaputukan ang biktima na tinamaan sa kanang binti. Bagama’t may tama na, nakuha pa ng biktima na bumawi ng putok nang paputukin ang dalang kalibre .38 o paltik.

Dahil sa dispalinghadong paltik ng biktima, pinaulanan ng suspek ng putok sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo na agad niyang ikinamatay. Limang tama ng baril kabilang ang dalawang tama sa ulo, isa sa kanang bahagi ng likod, isa sa kaliwang tagiliran  at isa sa kanang binti.

Gayonpaman, isinugod ang biktima sa Mary Johnston Hospital, Tondo, Maynila na namatay rin kahapon, alas-7:35 ng umaga. Narekober ng MPD – Homicide Section sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng kalibre .45, mula sa hindi pa malamang kalibre ng baril, isang basyo ng kalibre .9mm.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …