Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely,
Ako po si Leticia Santiago, 63 years old, taga-Valenzuela City.
Dati po akong kahera sa isang restaurant, pero mula nang magkaapo ako, tumigil na po ako sa pagtatrabaho at naglipat-lipat sa mga anak ko kapag wala silang yaya ng anak.
Awa po ng Diyos, napagtapos naming mag-asawa ang apat na anak namin sa kolehiyo kaya maaayos naman ang trabaho nila.
Isa sa pangkaraniwangn problema kapag ganitong panahon ng tag-init ay pag-iiti ng mga bata. ‘Yun bang laging basa ang dumi nila.
Mabuti na lamang po at hiyang sa hilot ko ang mga apo ko.
Ang ginagawa ko po, bago matulog sa gabi hinihilot ko na ang mga sikmura at tiyan at hinahaplosan ng Krystall Herbal Oil. Ganoon din po paggising sa umaga at bago maligo.
Ang tubig na ipinaiinom ko’y hindi masyadong malamig at hindi naman nainitan. Kailangan room temperature lang o kaya ipinapasok ko sa airconditioned room.
Malaking bagay po ang paghahaplos ng Krystall Herbal Oil kasi parang nawawala ang kabag o alimuom sa sikmura ng mga bata dulot ng mainit na panahon.
Maraming salamat Sis Fely at napakahusay talaga ng imbensiyon ninyo.
LETICIA SANTIAGO
Valenzuela City